Mahigit limang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang pinakamapait na karanasan sa buhay ko. Hindi ko gustong sirain ang araw na 'to ngunit hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit kailangan pa naming maranasan ng anak ko ang lahat ng 'yon para makamit ang buhay na meron kami ngayon.I believe it was too much. Kung wala ang mga taong tumulong sa akin, malamang ay wala ako ngayon dito. Wala kami ng anak ko ngayon dito.Pinigilan ko ang pagtulo ng namumuong luha sa mata ko at nakisabay sa ingay ng pagkanta ng mga tao sa paligid ko. Noong una ay may hiya at takot pa sa mukha ni Aeon habang tinitignan ang mga taong masayang kinakantahan siya, ngunit nawala rin 'yon nang buhatin siya ni Arden.Natapos ang kanta at sumunod naman ang palakpakan. Nakangiti kong binuhat ang cake at nilapit sa anak ko upang maabot niya.“Happy birthday, son.”“Hipan mo na ang kandila, anak. Make a wish first, okay?”Kumunot ang noo ni Aeon. “Paano kapag wala po akong wish?”“Bakit naman wala, 'nak? Kahit
最終更新日 : 2025-11-17 続きを読む