“Bakit hindi niyo sinama ang bata? I wanna see him. Siya ang una kong pamangkin!"“Mas makabubuti kasi kung iiwanan muna namin siya," sagot ko sa tanong ng babae. Unti-unti ay nasasabayan ko na rin ang kadaldalan niya. Sadyang nabigla lang talaga ako kanina kaya hindi ako makaimik, pero ngayon? I can already say that Sola is nice. Mauubos nga lang ang laway ko sa kakausap sa kaniya, pero ayos lang dahil may katabi naman akong baso ng tubig. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast sa dining hall ng mansyon. May mahabang mesa na napapalibutan ng upuan pero kaming tatlo lang naman ang laman."We'll come back here next time with Aeon or you can visit us in La Sorin if you want to meet the kid sooner. He'll love to meet you, parehas kayong madaldal."Ngumisi si Sola. "Mabuti naman at hindi nagmana sa 'yo ang bata? Para kang pader kapag kinakausap kita."Hindi pa rin ako matigil sa kakalibot ng tingin sa loob ng mansyon, para kasi akong nasa ibang panahon. Parang mansyon ng mga kastila na
Huling Na-update : 2026-01-03 Magbasa pa