“Nag-enjoy ka ba kanina sa daycare center, Hope?” Paglalambing ni Maya kay Hope, nakahilata silang pareho sa sofa habang nanunuod ng palabas. Bumungisngis si Hope, “Opo, Mama! Nag-aral kami dun! Tinuruan kami magsulat, magcolor, magpaint din po!” Kumukislap ang mga mata ni Hope sa tuwa. “Nag-play din kami, Mama! Nag-play kami nung the open the basket! Muntik na ako manalo nu’n, e. Kaso nadapa ako ayun may nakaunang tumakbo. Don’t worry, Mama. Hindi ako nag-cry, big girl na ako, eh!”“Good job, Hope!” Hinaplos-haplos pa ni Maya ang buhok ni Hope. Pakiramdam ni Maya ay masyadong mabilis ang takbo ng panahon. Parang kailan lang ay pinagbubuntis niya ito–kasama pa ang tatlong mga anak niya. Hirap na hirap pa si Maya sa buhay niya noon, silang tatlo lang ni Matthan at Hope ang magkasangga. Ginawa ni Maya ang lahat mabuhay lang niya ang mga anak niya. Iisipin pa lamang ni Maya na lilipas ang panahon at tatanda si Hope ay naiiyak na siya. Ayaw niyang lumaki ito, pakiramdam niya ay kapag tu
Last Updated : 2024-11-22 Read more