“Brandon, huwag ka na munang aalis dito sa tabi ni lola. I will also call Leon para may kahalili ka sa pagbabantay kay lola. We should protect her from someone,” ani Gavin habang nakatingin mula sa glass window. Naroroon sa loob ang kaniyang Papa Gerardo kasama sina Hivo at Bia. Umalis naman sina Ylonah at Avva para ikuha ng damit ang mga ito sa villa. “Sir Gavin, sino po ba ang may kagagawan nito kay Donya Conciana?” usisa ni Brandon. “Mas makabubuti kung wala kang alam tungkol doon, Brandon. Just do what I say,” walang emosyong sambit ni Gavin. Yumuko si Brandon. “Pasensya na po, Sir Gavin.” Tinapik ni Gavin ang balikat ni Brandon. “It’s fine. Alam ko namang nag-aalala ka lang kay lola.” Ngumiti si Brandon. “Ah Sir Gavin, mag-c-cr lang po muna ako.” “Go ahead. Papasok na rin ako sa loob.” Nang makaalis si Brandon ay agad ding pumasok sa room 777 si Gavin. Malalaki ang mga hakbang ni Brandon habang binabaybay niya ang daan patungo sa men’s restroom. Nang malapit na siya
Dernière mise à jour : 2024-11-05 Read More