Naghintay si Sierra ng halos kalahating oras bago dumating ang sasakyan. Kaya nang makauwi siya ay ala una na ng madaling araw. Pagpasok niya, laking gulat niya nang makita si Alea na nasa living room, nakapajamas at natutulog sa sofa. Bahagya pa itong ngumunguya na parang kambing. Nang makita ang ganoong tanawin, bahagya siyang natawa. May kung anong mainit na palad ang humaplos sa kanyang dibdib. Totoo nga, mas mapagkakatiwalaan talaga ang mga babae kaysa lalaki. Lumapit siya at mahinahong tinapik ang balikat ni Alea. Nagmulat si Alea ng mata, nang makitang si Sierra iyon ay napabalikwas siya ng bangon. "Ma'am! Nakauwi na pala kayo! Kanina pa po ba kayo?" "Hindi, kararating ko lang. Sige na, umakyat ka na sa kwarto mo para makatulog ka ng maayos." Malamlam ang matang sinabi ni Sierra. "Ah." Unti-unting tumayo si Alea, antok na antok pa ito, naglakad siya ng ilang hakbang, hinilamos ang palad sa mukha upang tuluyang magising. Kapagkuwan ay lumingon siya at sinabi, "Ma'am, naglu
Read more