Chapter 51: Revelation no. 3/Funeral “W-WHAT? John Reyes Merced?” tanong ng asawa ko sa lalaki, pero sa mahinang boses lang, na sapat na upang marinig naming lahat. “Yes, sweetheart,” sagot ng lalaki, may ngiti pa sa labi nito. Mas lalo akong nakaramdam ng inis. “I don't know who you are,” malamig na sambit ng asawa ko. “Oh? That's bad, sweetheart, nakalimutan mo na ako agad?” ani ng lalaki, na umakto pa siyang na nasaktan sa narinig. What’s wrong with this man? Naguguluhan na ako sa kaniya. Puwede ba siyang palayasin na lang? Tsk! “Mommy, I'm Johnrey po!” sambit naman ng batang lalaki. Napaatras ako nang makita ko ang mukha ng bata. Umawang pa nang bahagya ang aking labi, at dinig na rinig ko na agad ang malakas na kabog sa aking dibdib. No... No, it can’t be! P-parang...little version ko lang ang batang lalaki. Paanong nangyari ito? Bulag lang ang hindi makakapansin sa bagay na ito. Oh, God... This is fucking crazy. “I don't have a son named Johnrey,” umiiling n
Read more