Chapter 26 Nakarating ako sa restobar kung nasaan ngayon si Quinna Amera. Ang best friend ko. Nang makita ko siya sa isang sulok, nag-iisa at umiiyak, agad akong lumapit. Naikuyom ko ang kamao ko nang makita ko ang kaibigan kong basang-basa ng luha ang pisngi. “Hey, umalis na tayo,” sabi ko agad at hinila siya paalis. “Bakit gano’n? Bakit siya naniwala sa mommy niya at sa... babaeng iyon, Pearls?” naiiyak niyang tanong sa akin. She’s vulnerable. “He didn’t believe it, trust me, Amera. He doesn'’t believe that, okay? May binabalak lang ang asawa mo,” nakangising wika ko, sabay hampas niya sa kaliwang braso ko. Alam kong masakit ang pagkakahampas niya, pero as if I can feel that. “Pearls, your left arm. Hindi pa ba ’yan gumagaling?” tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses. “What do you think?” balik kong tanong habang nakataas ang kilay. “I don’t think so, and hey! Hindi ko siya asawa, ano?” “Oh, hindi nga ba? Eh, tatlo na kaagad ang anak niyo?” Ang lawak ng ngisi
Last Updated : 2025-08-24 Read more