Chapter 33: Dreams“Baby, lapitan mo ang Ate A mo, oh,” utos ni Mrs. Avelino sa limang taong gulang na anak na lalaki.Itinuro pa ng ginang ang batang babae na tahimik lang nakaupo sa isang mesa. Nag-iisa lamang ito roon, at halatang malungkot.Inosenteng napatingin si Dervon sa direksiyong tinuturo ng kaniyang ina at doon nga niya nasilayan ang batang tinutukoy nito. Nakaputing bestida ito, tahimik lang ito roon.“Mommy, ako po ang may birthday. Kaya dapat lang po na siya ang lumapit sa akin,” aniya, sabay napanguso, ngunit hindi pa rin niya maialis ang tingin sa batang babae. Mukha itong loner, tila laging nag-iisa.Lumuhod naman ang mommy niya upang maiharap siya rito. Nakangiti itong hinaplos ang kaniyang pisngi.“Dervon, malungkot siya ngayon. Alam mo ba? Kamamatay lang ng mama niya,” ani ng Mommy niya, at may malungkot na ngiti ang nakaukit sa mga labi nito.Nahabag naman ang damdamin ng batang si Dervon. “T-Talaga po?”“Yes, baby. Now, lapitan mo siya, and she brought a gift fo
Last Updated : 2025-09-07 Read more