NAIS NA NI Daviana na lumubog sa kanyang kinauupuan. First time niya nga, alangan naman na magaling na siya agad? Isa pa, hindi naman kailangan na sabihin iyon ng ina niya.“First time ko pa lang naman magluto, sa sunod matututunan ko rin iyon agad. Saka hindi iyan masasayang, uubusin ko iyan. Favorite ko kaya ang mga gulay lalo na ang kangkong.”Hindi siya pinansin ng inang inilapit na ang niluto niyang ulam sa kanyang manugangin.“Hijo, kain na.” Salitan silang tiningnan ni Rohi. Maya-maya pa ay dinampot na ang kubyertos. Napatanga na ang mag-ina nang makita nilang kumuha si Rohi ng maitim na kangkong sa plato ni Daviana. Diretso niya iyong sinubo sa bibig at kapagdaka ay sumubo na rin siya dito ng kanin. Nanatili ang tingin ng mag-ina sa ginawa nitong pagnguya sa pagkain na parang ini-enjoy. “Ayos lang naman, sakto sa kanin.” komento nito na alam ni Daviana na pampalubag-loob. Alam niya sa kanyang sarili na maalat at naparami ang toyo na kanyang inilagay. Napanguso na si Daviana
Huling Na-update : 2025-06-04 Magbasa pa