SA NARINIG AY hindi napigilan ni Rohi na pagmasdan pang mabuti ang mukha ni Daviana. Unti-unti niyang tinanggal ang hawak niya sa magkabila nitong balikat. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Daviana ang malalim na buntong-hininga.“Mom,—” “Hindi ako nagsisinungaling, Viana. Maging akong na ina mo ay nagulat sa pinagsasabi mo doon kanina sa loob. Kita mo ngang wala akong ibang sinabi, tama lang iyon anak. Kapag alam mong tama ka, huwag kang magpapatalo kahit kanino.”Hinarap na ni Daviana si Rohi. Nakangiti pa rin ang kanyang labi at maging ang kanyang mga mata.“Bakit ka pala narito?” pagbabago na niya ng topic, hindi niya inaasahan na pupunta ang lalaki doon dahil naroon siya. “Narinig ko lang sa assistant ni Daddy na makikipagkita sila ni Tita Carol sa iyo, pumunta ako just in case na hindi mo kayang e-handle ang anumang sasabihin nila. Kumbaga, support mo ako na mukha namang hindi mo naman kailangan.”Mayabang na lumapad pa ang ngiti ni Daviana habang nakatingin pa rin sa mukha ni R
Last Updated : 2025-05-21 Read more