ANG araw ay katulad ng isang gintong sumabog sa buong kalangitan. Ang alon ng dagat ay banayad na tila nakikisama sa espesyal na araw para kay Isabelle at Franco. Nakahanay ang mga puting upuan, at ang buong private resort ay napapaligiran ng makukulay na rosas. Sa wakas, ang pangarap ni Franco na maikasal kay Isabelle ay matutupad na. Mula sa kinatatayuan ng binata ay panay ang ayos niya ng suot na amerikana. Bahagyang niluwagan pa niya ang butones na suot, dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil sa samut-saring nararamdaman. Nararamdaman niya rin ang butil-butil na pawis sa noo dahil sa excitement. Tinapik siya ni Luigi na nakatayo sa gilid niya. "Relax, bro, huwag kang kabahan," ani nito. "I'm not nervous," tanggi niya. "Just relax, okay?" Huminga siya ng malalim upang mawala ang tensyon na nararamdaman. Umayos siya ng pagkatayo at matiyagang naghintay sa pagdating ni Isabelle. Biglang tumunog ang mahinang tugtug ng wedding march mula sa banda sa tabi ng a
Magbasa pa