NAPAKUNOT ang noo ni Olivia nang makita ang isang pirasong rose na nakapatong sa kanyang table. Kinuha niya ang rosas at bahagyang idinikit sa kanyang ilong at nilanghap ang amoy nito. She's sure it came from Clint. Wala naman ibang magbibigay sa kanya ng bulaklak kung hindi ang binata lamang."Ahm, excuse me... napansin mo ba kung sino ang naglapat nito sa table ko?" tanong niya kay Matilde na kasama sa cubicle. "Nope, nandiyan na 'yan pagdating ko. Naku, girl, may suitor ka na!" panunukso nito."Shut up... baka nagkamali lang ng taong pagbibigyan," tanggi niya kahit alam niyang kay Clint ito galing,sabay buntong-hininga niya at inilagay ang rose sa empty bottle water, na nakapatong sa mesa."Hay... malay mo naman, isa sa mga katrabaho natin. Kapag nagyaya ng date, patulan mo na para magka-lovelife ka na," pambubuyo ni Matilde."Tumigil ka nga," saad niya na natatawa ngunit hindi maitanggi ang pagkairita sa kanyang boses."Hay, kung sino man 'yang manliligaw mo, ilalakad ko siya sa
Last Updated : 2025-09-26 Read more