"Manang... gusto kong bumalik sa pagkanta," sabi ko halos pabulong, parang ako mismo nagulat sa sinabi ko.Ngumiti siya nang malaki. "Yan ang gusto kong marinig sa'yo.""Hindi para sumikat ulit... kundi para maalala ko kung sino ako bago ko sila nawala," dagdag ko."Hindi mo kailangang hanapin 'yon, hija... kasi nandyan lang 'yon sa'yo," sabi niya habang tinatapik ang dibdib ko.Napangiti ako, sa wakas, hindi pilit."Siguro... oras na," sabi ko mas buo ang boses ko ngayon."Oras na para mabuhay ulit," sagot niya.Tumango ako at tumingin sa langit, hindi na para magtanong, kundi para magpasalamat."Hindi pa tapos," bulong ko sa sarili ko.Dahil kahit maraming endings ang dumating—May natitira pa ring simula na ako mismo ang pipili kung paano ko gagawin.Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa sa nakasanayan ko at sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari hindi mabigat ang pakiramdam ng dibdib ko hindi pa rin magaan, pero kaya ko nang huminga nang hindi nasasakal ng alaala
Última actualización : 2026-05-06 Leer más