LIBBY“Nasaan tayo?” tanong ko sa kanya.“Nasa bahay natin,” nakangiti na sagot niya sa akin.“B–Bahay natin? Akala ko sa bahay tayo ng parents mo titira?”“Misis ko, alam ko naman na magkakasundo kayo ni mommy pero gusto ko na bigyan ka ng sarili mong kaharian. Kailangan na may sarili tayong bahay para nakakagalaw ka ng malaya na hindi ka nag-aalangan. Dapat naman talaga may sarili tayong bahay,” nakangiti na sabi niya sa akin kaya niyakap ko siya at hinalikan ko siya sa labi.“Thank you, mister ko. The best ka talaga,” sabi ko sa kanya.“I love you so much, misis ko. Tara na, pasok na tayo,” nakangiti na sabi niya sa akin kaya napangiti naman ako.“I love you too, mister ko.”Ang ganda ng bahay namin. Talagang pasok na pasok sa taste ko. At napatingin ako sa kabilang side ng bakuran namin. Napakunot ang noo ko dahil mukhang hindi naman siya garden.“Mister ko, ano ang mayroon doon?”“Gusto mo bang silipin?”“Puwede ba?”“Of course, misis ko,” nakangiti na sagot niya sa akin at hinila
最後更新 : 2026-05-22 閱讀更多