ANMELDENTHANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS PO!
ARTHURNagpaalam ako sa asawa ko na may aasikasuhin ako. Pero hindi ko sinabi sa kanya kung ano ba ‘yon. Sa totoo lang ay nasa plano ko na talaga na kapag nakabalik na kami galing sa bakasyon ay ang kasal na namin agad ang uunahin ko. Nagpatulong ako sa mommy ko at sa mommy niya. They recommended me the best wedding coordinator kaya may katuwang ako.Tumulong rin ang dalawa niyang kaibigan sa plano ko. Beach wedding ang magiging wedding naming dalawa. Alam ko kasi na mahilig siya sa dagat pero dahil sa busy kami ay hindi siya nakakapagbakasyon. Gusto ko na maging perfect ang lahat at gusto ko na makapunta sa araw ng kasal namin.Mabuti na lang talaga at hindi mahilig lumabas ang asawa ko kaya hindi niya ako nakikita kapag may meeting ako sa labas. Pabalik-balik lang ako sa probinsya at dito sa Manila. Ayaw ko magstay sa bahay nila Libby dahil alam ko na magtataka siya at baka malaman pa niya ang plano ko. Walang dapat makaalam sa plano ko. Dapat ay magawa ko ito ng maayos. Pero minsa
LIBBY“Mister ko/Arthur/Shadow,Marami ka mang pangalan ay gusto ko pa rin na ikaw ang mister ko. I’m sorry, I’m sorry kung marami akong mga ginawa na hindi maganda sa ‘yo. Alam ko na naging mean ako sa ‘yo at hindi ko alam na nasasaktan na kita. Thank you, thank you kasi kahit pa alam mo na malabo ay nanatili ka.Salamat sa pagmamahal mo sa akin. Alam ko na hindi naging madali para sa ‘yo na makuha ako. Marami kang tiniis, marami kang ginawa na hindi ko alam. Thank you kasi palagi kang nasa tabi ko kapag kailangan kita. Sa totoo lang ay masaya ako, masaya ako na kasama kita noon sa trabaho bilang si Shadow. Nakakainis ka lang dahil hindi ka talaga nagsasalita para kausapin ako. Aminado ako na naging crush talaga kita kaya lang dahil sa pagiging tahimik mo ay nawala rin dahil hindi ko nakita ang future ko sa ‘yo. Iyon ang nasa isipan ko noon. Hindi ko naman kasi alam na ginawa mo lang ‘yon dahil torpe ka at nahihiya ka sa akin. At nang naging si Arthur ka naman ay iniinis mo naman ako
LIBBY“Sexy, wake up na,” narinig ko ang boses ng kaibigan ko kaya naman iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.Muntik pa akong matumba pero mabuti na lang at may humahawak sa akin. Kaya naman nakatayo pa rin ako ngayon at pinaprocess ko sa utak ko kung ano ba ang pangyayaring ito sa akin. Malamig ang ihip ng hangin pero okay lang naman. Medyo madilim na ngayon.Kaagad akong tumingin sa sarili ko at nakasuot na ako ng wedding gown. Nakatayo na ako dito at natatanaw ko ang asawa ko na ngayon ay naghihintay sa akin. Nasa likuran ko si Gene at nakangiti siya sa akin. Ang huli kong naalala ay lumapit sa akin si Yanne at sa tingin ko ay pinatulog niya ako. Wala na kasi akong ibang maalala bukod sa paglapit niya sa akin.Niyaya ko kasi sila na magswimming kami pero ayaw naman nila. Kaya pala hindi sila payag dahil may alam na sila sa mga mangyayari. “Congratulations, sexy. So happy for you,” nakangiti na bati sa akin ni Gene.“Thank you, genius,” sabi ko sa kanya at
LIBBY“Mister ko, kung saan mo gusto ay doon ako.”“Okay lang ba talaga sa ‘yo?”“Oo naman, okay na okay sa akin. May asawa na ako at kung saan ang asawa ko ay nandoon rin ako. Kakampi mo ang mommy ko kaya sure ako na payag agad ‘yon. Puwede naman tayong umuwi dito. Anytime naman ay puwede,” sabi ko sa kanya.“I love you,” malambing na sabi niya.“I love you too,” sabi ko rin sa kanya at ako na ang unang humalik sa labi niya.Mabilis talagang tumugon ang asawa ko kaya nagpalitan na kami ng halik hanggang sa nauwi na sa mainit na tagpo. Kahit pa hapon ay walang patawad itong asawa ko. We closed the door here sa balcony ko dahil ayaw ko naman na marinig ng mga tao sa baba ang ungol ko. Pinipigilan ko pa nga eh mabuti na lang talaga at hindi ako pinagod ng asawa ko pero nakatulog pa rin ako.*****“Misis ko, uuwi rin agad ako kapag tapos na ang mga ginagawa ko,” sabi sa akin ng asawa ko dahil aalis na naman siya.“Ingat ka po. Don’t worry dahil okay lang ako dito. Wala rin naman akong gag
LIBBY“Why are you here?”“Mister ko, bakit ka um–”“I love you so much, misis ko,” sabi niya at hinalikan niya ako agad sa labi.“I love you too. Pero bakit ka nandito? Bakit ka umuwi?” tanong ko sa kanya.“I’m so happy, misis ko. Sobrang saya ko, magiging daddy na ako!” sabi niya kaya nagulat naman ako.“Alam mo na? Sino ang nagsabi sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Si Mommy Lavinia,” sagot niya sa akin kaya binalingan ko ang mommy ko.“Ang chismosa mo talaga, mom,” sabi ko sa kanya.“Sorry, anak. Nasabi ko na bago mo pa ako sabihan,” sabi niya sa akin kaya naiinis ako.“Kanino mo pa sinabi? Umamin ka sa akin?” tanong ko sa kanya.“Sa amin!” nagulat ako dahil nandito rin si Yanne at Gene.“What?!” Lumapit na ang mga kaibigan ko sa akin.g6.“Mommy, naman! Nakakainis ka!” sabi ko sa kanya.“Sorry na, anak ko. Sobrang happy ko lang talaga kaya sinabi ko na sa gc namin,” sabi niya sa akin.“GC?”“Yes, may gc kami,” nakangisi na sabi niya sa akin.“At bakit hindi ako kasali?”“Kasali ka, hin
LIBBYWala si Arthur dito pero kasama ko naman ang mommy ko na pumunta sa ospital. Ayaw niya kasi maniwala sa akin na ‘wag na kaming pumunta, na sa susunod na lang sana. Talagang makulit siya kaya pinagbigyan ko na siya. Ayaw rin niya na ako ang mag-drive kaya hinayaan ko na lang ang mommy ko sa mga nais niyang gawin.“Dok, ano ang resulta? Buntis ba ang anak ko?” hindi naman halata na excited ang mommy ko.“Mom, mas excited ka pa kaysa sa akin,” sabi ko sa kanya.“Oo naman, napatunayan ko talaga na hindi ka baog,” sabi niya sa akin at hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa kanya.“Mom, ‘yang bibig mo talaga,” sabi ko sa kanya pero hindi niya na ako pinansin pa dahil kay dok na naman siya.“Ano na, dok? Buntis ba o hindi ang anak ko?” tanong niya at siga pa talaga siya.“Opo, Ma’am. Buntis na po ang anak mo. Isang buwan na po,” sagot ni dok.“Thank you, dok.”“Congratulations, Miss Villamor,” sabi niya sa akin.“It’s Mrs. Alcantaria, dok. May asawa po ako,” sabi ko sa kanya.“Single p
LIBBYUmalis na kami at ako itong tahimik lang ngayon dito sa backseat. Wala pa akong balita kung nagsimula na ba sila. Kalahating oras na rin simula ng umalis kami. Sa totoo lang ay ibang-iba ang plano namin bago kami pumunta sa misyon na ito. Ang buong akala ko ay makakapasok kami bilang mag-asawa
LIBBY“Si Rego ba ang may gawa nito?” tanong ko sa kanya at tumango siya.“Ano pa ang ginawa niya sa ‘yo?”“Ate, gin*hasa po niya ako,” umiiyak na sagot niya sa akin kaya natigilan ako.“What?”“Ate, gusto ko na pong umalis dito. Gusto ko na pong umalis, pero hindi ko po magawa. Gabi-gabi po niya ak
LIBBY“Ready ka na ba sa maling desisyon mo?” nakangisi na tanong ko kay Cherriepie.“Ano’ng binabalak mo?” tanong niya sa akin.“Wala, wala akong binabalak. Baka ikaw ang mayroon,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Siguraduhin mo lang na wala dahil isusumbong ko talaga na ikaw ang traydor,” sabi pa n
LIBBY“Sino ka ba na pangit–sorry po, father. Nagulat lang po ako,” sabi niya ng mapansin niya si Sir Val.“Kawaan ka ng Panginoon. Nandito lang kami para ihatid ang inaanak ni sister,” sabi naman ng boss ko. Pero ang totoo ay gusto lang talaga nila na hindi magduda ang mga ito at dahil na rin sa t







