GENE“Kayo lang ang nagsasabi ng ganyan kahit hindi naman totoo,” sabi ko sa kaibigan ko.“Manhid ka lang talaga. Pinapaniwala mo ang sarili mo na magiging madre ka kahit pa ang totoo ay–”“Alam mo, sobrang prangka mo talaga. ‘Wag ka ngang ganyan sa akin.”“Sinasabi ko lang ang nakikita ko. Pero ikaw pa rin naman ang masusunod kung alin ba ang pipiliin mo.”“‘Wag nga kayong ganyan. Buo na ang mga plano ko,” sabi ko sa kanya.“Okay, support ka namin sa kung ano man ‘yan.”“Gallong,” masaya na bulalas ni Alden nang makita niya ang favorite niyang ahas.“Hi po, Tita Gene.”“Hi, pogi. Kumusta ka na?”“Okay naman po ako.”“Mukhang miss mo si Gallong.”“Opo, sobra po. Hindi na po kasi kami nakapunta sa bahay nila Tita Libby,” nakangiti na sagot niya at niyaya na niya sa loob siu Vryan.Magkasundo ang dalawa. Baka nga matagal na talaga silang magkakilala. At hindi lang ako updated sa buhay na mayroon sila.“Kapag nagparamdam si boss ay bigyan mo ng chance. Malay mo friendship goal tayong tatl
Last Updated : 2026-08-16 Read more