GENE“Good night, my loves,” sabi niya sa akin at nagulat ako dahil bigla na lang tumalon si Gallong sa kanya at tinuklaw niya ang boss ko.“Fvck! Bakit mo ako kinagat?” tanong ni Val sa ahas.“Sh*t!” sambit ko nang maalala ko na tinuruan ko pala ang ahas na ito na kapag tinawag akong my loves ng boss ko ay kagatin niya.“Gallong, up here. Stop now,” utos ko sa kanya kaya naman tumigil na siya at bumalik na sa akin.“Ano ba ang ginawa kong mali para kagatin niya ako?” tanong ng boss ko.“Boss, sorry. Sinabi ko kasi sa kanya na kapag tinawag mo akong my loves ay kagatin ka niya,” sabi ko sa kanya.“Ganyan mo ba ako ka ayaw para pati ahas ay turuan mo?” tanong niya at tumayo na siya para umalis.“Dadalhin kita sa ospital,” sabi ko sa kanya.“‘Wag na, mas okay na m*matay na ako,” sabi niya sa akin kaya ako itong napangiwi na lang ng bibig ko dahil ang korny naman niya.“Sorry na, hindi ko naman sinasadya. Ikaw naman kasi ang pasaway, usapan na nga natin na ‘wag mo akong tawagin ng ganyan
Last Updated : 2026-09-21 Read more