CHAPTER 26 3RD POV NAKARAAN“Ano ‘to?” Kunot-noo na tanong ni June, sa katulong. “Pinabigay po sa inyo Sir.” Sagot nito, matapos niyang kunin ang isang brown envelope. Agad niya itong binuksan at napakunot ang noo niya, matapos makita ang laman nito. ‘Divorce?’ Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili nang bigla nalang siyang makaramdam ng kirot sa dibdib niya, habang nakatingin sa papel. “Ano ‘yan?” Tanong sa kanya ni Haidee, kaya dali-dali niya itong ipinasok muli sa envelope. “Wala, sa kumpanya.” Sagot niya habang tumango ito at pinulupot ang kamay sa kanyang braso. “Magpapaalam sana ako sa ‘yo.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Gusto ko sanang bumalik saglit sa atin, may nakalimutan kasi akong kunin do’n, at ‘wag kang mag-alala babalik agad ako.” Ngiting wika nito, habang tumango siya. “Franco, ang gamot mo, ‘wag mong kalimutan inumin, alam mong mahalaga ‘yon.” Wika nito, kaya agad siyang tumango. NANG makaalis si Haidee, ay muli niyang tiningnan ang divorce pape
Last Updated : 2025-06-26 Read more