CHAPTER 2 3RD POV “Fvck! Sino ba siya sa akala niya!!” Inis na sigaw niya. “Tayo na po Sir.” Wika sa kanya ng kanyang tauhan habang binuksan nito ang pinto ng kotse. Habang nasa loob na siya, ay hindi pa rin siya makapaniwala, sa ipinakitang ugali ng babae sa kanya kanina. “Diretso na tayo sa bahay na sinabi ni Lola.” Utos niya sa kanyang tauhan. Nang makarating sila ay na-patingin siya sa paligid may mga katulong din na sumalubong sa kanya.“Isara niyo ‘yong gate at ‘wag n'yong papasukin ang sino mang gustong pumasok.” Utos niya sa guard, kaya napatingin sa kanya ang tauhan niya. “Sir, ang pagkakaalam ko po, pupunta ngayon ang asawa n'yo at dadalhin ang mga gamit niya.” Wika nito sa kanya. “Wala akong pakialam.” Balewala na sagot niya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. “Ito na po ang mga kakailanganin niyo Sir, para bukas.” Wika ng isang katulong, habang nilapag ang ilang folder sa lamesa. Kinuha niya ang isa nito at tiningnan. Pero agad na kumunot ang noo niya nang ma
MY MYSTERIOUS WIFE XVII CHAPTER 13RD POV “Dad, bakit niyo naman ako ipapakasal sa taong hindi ko gusto? Hindi ko nga rin kilala ang babaeng gusto ninyong pakasalan ko.” Galit na wika ni River sa kanyang ama. “Hindi ko kagustuhan ‘yon, ang lola mo ang may gustong ipakasal ka.” “Dad, ‘wag niyo naman gawin sa akin ang ginawa nila kay Greeg.” Napahinga ng malalim ang kanyang ama, dahil sa kanyang sinabi. “Alam mong wala kaming magagawa kapag ang lola mo na mag-desisyon.” “Pero hindi maganda ang desisyon niya, na basta nalang ako ipakasal.” “Tama na River. Sinabi ko na sa ‘yo ang dahilan hindi ba?” Wika ng kanyang ama. “Bakit kasi hindi nalang si Ryker?” Tanong niya rito.“Hindi ako ang nagdesisyon, kaya sumunod ka nalang.” Wika sa kanya ng kanyang ama at iniwan siya. “Anak..” Sambit ng kanyang inang si Diana. “Mommy, ayoko pang maikasal.” Wika niya rito. “Hindi tayo pwedeng sumuway sa gusto ng ‘yong lola Anak.” “Pero Mommy,” “Anak, bakit hindi mo nalang muna kilalanin ang ma
CHAPTER 22 KASALUKUYAN “Gray..” Sambit ni Greeg nang magmulat siya nang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at nakitang nasa hospital siya. “Anak!” Tuwang wika sa kanya ng kanyang ina at mahigpit siyang niyakap. “Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa inyo ng kapatid mo.” Iyak na wika sa kanya ni April. “Nasa’n po si Gray, Mommy?” Tanong niya rito. “Nasa kabilang silid. ‘Wag kang mag-alala. Magaling na siya.” Ngiting sagot nito sa kanya. “Mabuti nalang at mabilis ang mga tauhan natin Anak, at nailigtas nila kayo.” Iyak na wika ng kanyang ina. “S-si Asuka Mommy?” Tanong niya, habang napakunot ang noo nito. “Si Sakura ba ang ibig mong sabihin?” Tanong nito sa galit na boses. “Wala na siya, at pwede bang ‘wag mo nang banggitin pa ang babaeng ‘yon, dahil kapag naalala ko ang ginawa niya sa inyo ni Gray ay gustong-gusto ko siyang patayin ulit.” Galit na wika ng kanyang ina. “Kalimutan mo na siya Anak.” Wika nito, habang hinawakan ang kanyang kamay. “Nagugutom kab
CHAPTER 21 3RD POV NAKARAAN“Dad, bakit ako ang pupunta ro’n? Pwede bang si Gray nalang.” Wika niya sa kanyang ama, dahil wala siyang balak pumunta sa ibang bansa, lalo na at may usapan sila ng bagong girlfriend niya. “May pinapagawa si Apple sa kapatid mo, kaya ikaw nalang ang pumunta ro’n Greeg.” “Dad, baka pwedeng bukas nalang, dahil may mahalag-.”“Greeg!” Sigaw sa kanya ng kanyang ama, kaya napakamot siya sa kanyang ulo. “Sumunod ka sa gusto ko, pumunta ka ngayon.” Madiin na wika ng kanyang ama, kaya wala siyang magawa kun’di ang sumunod dito. “Nakahanda na ba ang kotse?” Tanong niya sa kanyang tauhan nang makalabas siya sa opisina ng kanyang ama. “Handa na po Sir, pati ang mga gamit mo.” Sagot nito sa kanya, kaya lalo siyang nakaramdam ng inis. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang girlfriend niya. “Ano?” Wika nito, matapos niyang sabihin na aalis siya. “Pero akala ko ba magkikita tayo Greeg?” Wika nito sa nagtatampo na boses.“Babawi ako pagbalik ko, at ‘wag
CHAPTER 20 3RD POV “’Wag mong idamay ang kapatid ko, dahil wala siyang kasalanan dito.” Galit na wika niya rito, habang umupo ito sa tabi nila. “Talaga ba? Pero hindi mo ba naisip na iisa lang ang mukha ninyo?” Ngiting wika nito sa kanya. Wika nito, habang napalingon siya kay Gray. “Ano bang kalokohan ‘to Greeg?” Galit na tanong sa kanya ni Gray. “Pwede bang manahimik ka muna.” Wika niya, habang nilingon muli si Asuka. “Kahit ano ang gusto mo, ibibigay ko sa ‘yo. Pakawalan mo lang ang kapatid ko.” Wika niya rito, habang malawak itong napangiti. “Wala akong ibang gusto kun’di ang mawala ka.” Napa-kunot ang noo niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sa tingin mo, papayag ako na gawin mo ‘yon sa kapatid ko?” Wika ni Gray, kaya napatingin siya rito. “’Wag kang mag-alala, isusunod naman kita sa kanya.” Ngiting sagot nito. Nakita niyang lalapitan sana ito ni Gray, kaya mabilis niya itong pinigilan. “Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ‘yan? Akala ko ba nobya mo siya?” Galit na tanong
CHAPTER 19 3RD POV “Hindi niya ako boyfriend, hindi naman naging kami.” Sagot niya sa kanyang tito Aaron. “Kung ganun, bakit siya nagpakamatay?” Tanong nito sa kanya. “Hindi ko rin alam Tito.” Sagot niya rito. “Mag-ingat ka Greeg, dahil mahirap kalaban si Asuka.” Wika ng tito niya, kaya napakunot ang kanyang noo na tumingin dito. “Bakit Tito?” Tanong niya rito. “Isa sa mga magagaling na assassin si Asuka, kaya mahirap siyang kalabanin.” Sagot nito. “Kaya pala…” Wika niya, kaya napatingin sa kanya si Aaron. “Anong kaya pala?” Taka na tanong nito, habang umiling ka. “Wala po Tito.” Sagot niya rito. “Aalis na po ako.” Paalam niya. “Mag-ingat ka, at kung kailangan mo ang tulong ko, nandito lang ako.” Wika nito sa kanya. “Salamat po Tito.” Sagot niya at agad na lumabas. Nang makalabas ay hindi niya nakita ang pinsan niya at ang kanyang tita Hanma. Hindi na rin siya nag-abala pa na magpaalam sa kanila, dahil kailangan niyang magmamadali. Gusto niyang balikan ang hotel, kung sa