CHAPTER 4 3RD POVPatuloy na umiiyak si Daisy, habang nasa guess room siya at ginagamot ni Dan, ang kanyang sugat.“Masakit pa rin ba?” Tanong nito, habang hinihipan ang sugat niya. Umiling siya, habang pinunasan ang kanyang mga luha.“Kung sobrang nasasaktan kana, bakit hindi ka nalang magparaya?” Tanong nito, kaya napatingin siya rito.“Mahal ko siya..” Mahina na sagot niya rito. “Pero patuloy ka nalang niyang sinasaktan.” Wika nito, habang ngumiti siya rito.“Handa kung tiisin ‘yon, para sa kanya.” Napahinga nang malalim si Dan, habang nailing ito sa kanya.“Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi kana niya kilala, samantalang noon. Halos mabaliw siya sa kaka-sunod sa ‘yo.” Napangiti muli si Daisy, dahil sa narinig niya. “Alam mo bang pinahirapan ko rin siya noon, pero hindi siya sumuko.” Wika niya rito. “Pero hindi katulad sa ginawa niya ngayon sa ‘yo. Alam mo, siguro kapag bumalik na ang alaala niya, baka pagsisihan niya ng husto ang ginawa niya sa ‘yo, kaya kung ako sa ‘y
Last Updated : 2025-06-17 Read more