CHAPTER 19 3RD POV “Ayokong pumunta ro’n” Sagot niya, kaya gulat na napalingon sa kanya ang kanyang ina. “Nahihibang kana ba Gael? Bakit ayaw mong pumunta ro’n?” Galit na wika nito. “Mas gusto kung mananatili rito Mommy, bakit hindi nalang kayo ni Daddy ang pumunta ro’n? Kaya ko naman pamahalaan ang kumpanya natin.” Sagot niya, habang napahawak ang kanyang ina sa noo nito. “Tapos, kapag nandito ka, lagi kang mag-wawala?”“Hindi na mauulit ‘yon Mommy. Naiinis lang ako, kaya mo ako naabutan na ganun.” Sagot niya rito. “Gael, mas mabuti kung nando'n ka, dahil makakalimutan mo ang asawa mo.” “Mommy, ngayon pa lang kinalimutan ko na siya, isa pa gusto kung malaman niyo na hindi ako nasasaktan, dahil una pa lang. Wala akong gusto sa babaeng ‘yon.” Inis na wika niya.“Isa pa, ngayong hiwalay na kami, gusto kung pakasalan si Jessica.” Napa-kunot ang noo ng kanyang ina, dahil sa kanyang sinabi. “Anong pakasalan?” Galit na wika nito sa kanya.“Mom, alam niyong matagal ko ng nobya si Jes
Terakhir Diperbarui : 2025-07-27 Baca selengkapnya