CHAPTER 7 3RD POV “Bakit hindi pwede?” Muling tanong nito sa kanya. “Siguro binabalak mo talaga akong takasan Yaya?”“Hindi kita tatakasan, hindi lang talaga ako pwedeng tumabi sa ‘yo.” Paliwanag niya rito. “Alam mo Yaya, nagtataka na talaga ako sa ‘yo, dahil napapansin ko takot ka sa akin.” Nailing siya, dahil sa narinig niya mula rito. “Anong takot?” Tanong niya, habang tinitigan siya nito. “Siguro tomboy ka.” Hindi niya na pigilan na mapa-halakhak, dahil sa sinabi sa kanya ni Ariel. “Anong tomboy?” Ulit na wika niya, habang hindi pa rin napigilan na matawa rito. “’Wag mo nga akong pagtatawanan Yaya, gawin mo na kasi ang gusto ko.” Maktol na wika nito sa kanya. “Hindi nga ako pwedeng tumabi sa ‘yo, dahil marami akong gagawin.” “Gawin mo nalang dito, hindi naman ako mangugulo. Ang hirap kasi sa inyo, iniisip niyong bata ako.” Nagtatampo na wika nito sa kanya. “Yaya, ‘wag niyo ngang kalimutan na nasa tamang edad na ako, at hindi na ako bata, katulad ng iniisip niyo.” Muling
Last Updated : 2025-09-18 Read more