CHAPTER 73RD POV “Anong wala pa rin kayong balita sa kanya?” Galit na wika niya sa kanyang tauhan, habang kausap niya ito sa phone. Ilang araw na kasi ang lumipas pero wala pa rin siyang nakukuhang balita mula kay Sakura at Zelda. Nakalabas na rin si Zyne, sa hospital at doon niya ito dinala sa bahay ng mga magulang niya. Takot kasi siyang balikan ito ni Zelda sa bahay nila. “Hanapin niyo si Asuka, kailangan niya siyang maibalik sa akin.” Utos niya sa kanyang tauhan, at mabilis na pinutol ang tawag. ******“Apo, halika rito.” Wika ng kanyang ina rito. “Sige na Anak, pumunta ka muna kay Lola, dahil kailangan ko pang magtrabaho.” Ngiting wika niya rito. “‘Wag kang mag-alala, babalik agad si Daddy.” Muling wika niya habang hinalikan ito sa noo. “Pangako mo ‘yan Daddy ha, babalikan mo ako.” Sagot nito, kaya tumango siya rito. “Mommy, kaya na po ang bahala sa kanya.” Wika niya sa kanyang ina. “Oo Anak, ‘wag kang mag-alala.” Ngiting wika nito, matapos niyang halikan ito sa pisngi.
Last Updated : 2025-09-08 Read more