CHAPTER 16 3RD POV “Yaya, phone mo ba ang tumutunog?” Tanong sa kanya ni Ariel, kaya napatingin siya sa kanyang phone. Hindi niya kasi napansin na tumunog ito, dahil ang atensyon niya ay naroon lamang kay Ariel. Bigla naman siyang kinabahan nang makitang si Katya ang tumawag. Hindi niya kasi napansin na iba ang phone na nakuha niya kanina. “Dito ka muna, sasagutin ko lang ang Nanay ko.” Pagsisinungaling niya rito. Tumango naman ito kaya agad siyang lumayo kay Ariel. Napatingin muna siya sa paligid, bago niya sinagot ang tawag ni Katya. “Bakit ka tumawag? Anong kailangan mo?” Tanong niya, matapos niyang sagutin ang tawag nito. “Gusto ko lang humingi ng tawad sa ‘yo Edward. Maniwala ka, hindi ko talaga alam na ganun ang plano ng Daddy ko.” Wika nito, habang na-pahinga siya nang malalim. Habang naisip ang sinabi sa kanya ni Ariel. “Ayos lang ‘yon, kalimutan mo na ‘yon.” Sagot niya rito. “Kung ganun, ayos na tayo?” Natigilan siya, dahil sa tanong nito sa kanya. “Anong ibig mong s
CHAPTER 15 3RD POV “Yaya..” Iyak nitong sambit nang makita siya. Yayakapin na sana siya ni Ariel, pero mabilis siyang umiwas dito. Bakas naman sa mukha nito ang pagtataka, habang napatingin ito sa kanya. “Galit kaba sa akin Yaya? Ayaw mo na ba sa akin, bilang alaga mo?” Hikbing tanong nito sa kanya, habang hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Gulong-gulo kasi ang kanyang isipan at natatakot siyang hawakan si Ariel, dahil sa naalala niya ang kagaguhan na ginawa niya rito. “Hindi ako galit sa ‘yo..” Sagot niya habang hindi napigilan na mapaluha. ‘Kun’di galit ako sa sarili ko Ariel.’ Ito ang gusto niyang sabihin sa dalaga, pero nauunahan siya sa takot, dahil sa oras na malaman nito ang totoo. Alam niyang hindi siya mapapatawad ni Ariel. “Gusto mo na rin bang umalis katulad ng iba?” Wika nito, habang pinunasan nito ang mga luha. Hindi niya naman napigilan ang sarili niya na lapitan si Ariel at siya na mismo ang nagpunas sa mga luha nito. “Patawad Ariel..” Hinging tawad niy
CHAPTER 14 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Pwede bang umupo ka lang!” Inis na wika sa kanya ni Ivan. “Magbabanyo ako.” Sagot niya rito. “’Wag mo na akong samahan, dahil kaya ko.” Muling wika niya at pasuray-suray na tingungo ang banyo. Kahit medyo nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa kanyang ininom ay inayos niya pa rin ang kanyang paglalakad, dahil ayaw niyang maihi sa kanyang pantalon. “Ayos ka lang?” Tanong sa kanya ng isang babae, nang bigla nalang siyang natumba. Napa-kunot naman ang kanyang noo, dahil parang kilala niya ang boses nito.“Saan kaba pupunta?” Narinig niyang tanong nito sa kanya. Nang makakita siya ng isang pinto ay agad niya itong tinuro sa babae. “Tulungan mo akong pumunta ro’n.” Sagot niya rito, kaya tinulungan siya nitong tumayo at dinala sa tinuro niyang silid. Nang makapasok sila ay hindi niya sinadya na muling matumba at nadaganan niya ang babae. “A-ang bigat niyo po Kuya..” Narinig niyang wika sa kanya ng babae, kaya napa-kunot ang kanyan
CHAPTER 13 3RD POV Hindi niya maintindihan ang sarili niya, kung bakit bigla nalang siyang nawalan ng gana sa pakikipag-usap niya kay Katya, kaya agad siyang nag-dahilan dito na sumama ang kanyang pakiramdam. Mabuti nalang at agad niya itong napaniwala, kaya mabilis silang umuwi. Nang makarating sa bahay ay agad niyang tinungo ang kanyang silid at kinuha ang kanyang phone na ginagamit niya tuwing tumatawag sa kanya si Ariel. Gulat naman siyang napatingin sa phone niya nang makita niyang naka-ilang tawag na ito sa kanya, kaya mabilis niya itong tinawagan. “Ariel.” Sambit niya nang sagutin nito ang tawag niya. “Akala ko ayaw mo na akong maka-usap Yaya.” Nagtatampo na wika nito sa kanya. “Pasensya kana, nakatulog kasi ako dahil sa pagod, kaya hindi ko napansin na tumawag ka.” Pagsisinungaling niya rito. “Hindi ba sinabi ko sa ‘yo Yaya, na ‘wag mong ihiwalay ang phone mo.” “Nakalimutan mo kasi kanina, siguro dahil din sa pagod naglilinis kasi ako sa buong bahay.” Sgot niya rito.
CHAPTER 12 3RD POV Habang naghihintay sa kanyang flight ay na-patingin siya sa babaeng umupo sa kanyang tabi. Namilog ang kanyang mga mata, habang na-patingin kay Ariel. ‘Fvck! Ano ang ginagawa niya rito? Ang akala ko pa naman ay sasakay sila sa private plane nila.’ Nang mapansin siya nito ay napatingin ito sa kanya, kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. “Dude, gusto mo?” Tanong sa kanya ni Ivan, habang inalok siya nito ng dala nitong noodles. Umiling siya nito habang umupo ito sa kanyang tabi. Nang muli niyang tingnan si Ariel ay napansin niyang nakatingin ito sa kinakain ni Ivan, kaya naisip niya na baka gutom ito. ‘Damn! Hindi na naman siguro siya kumain.’ “Gusto mo?” Tanong niya rito, dahil hindi niya na pigilan ang sarili niya na maawa rito. Kilala niya kasi ito kapag may gusto, hindi ito nagsasalita. Tumingin ito sa kanya habang ngumiti. Mabilis niyang inagaw kay Ivan ang kinakain nito at masama itong tiningnan. “Halika.” Ngiting wika niya, habang lumapit ito sa kanya.
CHAPTER 113RD POV “Yaya! Ayaw mo bang sumama sa amin?” Tanong sa kanya ni Ariel, dahil nasa baba ang mga magulang nito. Gusto kasi ng pamilya nito na mamasyal sila. Nagpaalam na rin siya rito at sa mga magulang nito na hindi muna siya sasama. Ito din kasi ang hinihintay niya, para maka-uwi muna sa bahay ng kapatid niya. “’Di ba sinabi ko na sa ‘yo na uuwi muna ako.” Sagot niya rito. “Baka hindi ka agad babalik Yaya,”“Babalik agad ako, isa pa, dapat mag-enjoy ka muna kasama ang mga magulang mo.” “Alam mo bang hindi naman pamamasyal talaga ang pinunta nila rito. Gusto lang nilang maglibot sa mga mall at hotel na pag-aari namin.” “Parang pasyal na rin ‘yon.” Sagot niya, habang masama itong tumingin sa kanya. “Basta Yaya, umuwi ka ha, ayaw kung wala ka pa rito, kapag nakauwi na ako. ‘Yong phone mo rin, gusto kung lagi mo ‘yong dala, kasi tatawag ako lagi.” Nailing siya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sige na, bilisan mo nang bumaba.” Napangiti ito sa kanya at yumakap. “Bye Yay