MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVI CHAPTER 213RD POV“Nay..” Sambit ni Alina, habang mabilis siyang nilapitan ng nanay niya. “Ang Anak ko?” tanong niya, habang malawak na ngumiti sa kanya ang kanyang ina. “’Wag kang mag-alala, sa mga bata Anak, dahil ayos lang sila.” Taka na napatingin dito si Alina, dahil sa kanyang narinig. “S-sila?” “Oo Anak, dahil tatlo ang anak mo,” hindi niya naiwasan na magulat, dahil sa narinig niya mula sa nanay niya. “T-tatlo..” “Oo, Anak, tatlong lalaki ang mga anak mo..” hindi naiwasan ni Alina, ang mapaluha, dahil sa kanyang narinig. Nang dalhin ng nurse ang mga bata, kay Alina, ay muli siyang napaluha, habang nakatingin sa tatlong anak niya, kahit maliiit pa lang sila, ay nakita niya sa mga mukha nila ang mukha ni Rhett. “’Wag kanang umiyak pa, Anak, dahil nakakasama ‘yon sa ‘yo.” Wika sa kanya ng nanay niya, habang pinunasan nito ang mga luha sa kanyang mga mata.“’Wag ka ring mag-alala, Anak. Hangga’t nandito kami ng nanay mo, hindi namin kayo pabab
Read more