MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVI CHAPTER 33RD POV “Alina, Anak, lumabas kana, kanina ka pa hinahanap ng tatay mo.” Wika sa kanya, nang kanyang ina, kaya napatingin siya rito. “Natatakot ka pa rin bang lumabas?” Tanong nito, habang mabilis na tumango si Alina. “’Wag mo nang isipin ang taong ‘yon Anak, tiyak na hunuli na ‘yon ng mga pulis, dahil sa ginawa niya kay Sir Luis.” “Pero mayaman po sila Nay, baka hindi siya makulong, at baka balikan niya tayo.” Napangiti sa kanya ang kanyang ina, habang hinawakan ang kamay niya.“’Wag kang mag-alala Anak, nandito kami ng tatay mo, hindi ka namin pababayaan.” Wika sa kanya, ng kanyang ina. Habang niyakap niya ito. Nang nakalabas ang ina ni Alina, ay agad niyang inayos ang sarili niya, at mabilis na sumunod dito. Habang pababa siya sa bahay nila, ay agad siyang natigilan nang makita ang mga magulang niya na nakagapos. “Nay! Tay!” Sigaw niya, habang nilapitan ang mga magulang niya. Pero agad din siyang natigilan nang makita ang lalaking naka-u
اقرأ المزيد