MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVI CHAPTER 273RD POVHabang naglalakad si Alina sa aside, ay hindi niya mapihilan na mapaluha, habang nakatingin sa mga anak niya pati na rin kay Rhett, na naghihintay sa kanya sa altar. “Anak, ‘wag ka nang umiyak, baka madura ‘yang make up mo.” Wika sa kanya ng kanyang ina, kaya napalingon siya rito. “Hindi ko lang po mapigilan na napaluha Nay, dahil hindi pa rin ako makapaniwala, na ikakasal na ako kay Rhett.” Sagot niya, habang hinaplos nito ang kamay niya. “Alam mo bang masaya ako para sa ‘yo Anak, dahil nahanap mo na rin ang taong tunay na nagmamahal sa ‘yo,” napangiti si Alina, dahil sa kanyang narinig. “Mabuti nalang at hindi agad namin siya hinusgahan noon Anak, dahil ang akala ko pa naman ay masamang tao talaga siya.” “Sinabi ko naman sa ‘yo Nay, na mabait talaga siya.” Sagot niya sa kanyang ina, habang napatingin siyang muli kay Rhett. Nang i-abot ng kanyang ina, at kanyang ama ang kamay ni kay Rhett, ay hindi niya inasahan ang ginawa nitong
Read more