ZAMRICK POV"U-uhmm, excuse me lang po sir. Pero sino po ba kayo?" biglaang tanong sa akin nang ginang.Mukhang hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili sa pagtatanong kung sino ba talaga ako. At kung bakit naririto parin ako sa hospital kasama nila.Napatingin ako isa-isa sa kanila. Nakaupo ang mag-asawa at pati na ang dalawang babaeng nasa tindahan kanina sa upuang kaharap ko dito sa hallway. Nakatitig lang sila sa akin nang husto at naghihintay sa magiging sagot ko.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at halos sabay pa silang apat na napataas nang tingin sa akin nang tuluyan akong tumayo at humakbang papalapit sa kanila. Halos rinig ko pa nga ang ginawang pagsinghap nang dalawang babae."Pasensya na po at hindi po ako agad na nagpakilala. Ako po si Zamrick," bruskong anas ko sa mag-asawa.Nagkatinginan silang dalawa sa isa't isa bago nagsalita."Sobrang nagpapasalamat kami ng asawa ko sa pagtulong at paghatid mo sa anak namin dito sa hospital, sir," anas nang lalaki sa aki
Read more