Serena AlcazarKung dati kapag pinag-uusapan nina Mia ang tungkol kina Levi at Ma’am Tiana ay naiinis ako, pero ngayon ay wala na lang iyon sa akin. Umiismid na lang ako kapag kinikilig sila sa dalawa. Kung alam lang nila na magpinsan sila, kikilabutan sila kung bakit sila kinikilig.Si Tiana naman, patuloy pa rin sa pagpapanggap. Hindi yata sinabi ni Levi sa kanya na alam ko na. Minsan na akong nagpigil ng tawa habang nagpapanggap na naman siya sa harap ko.“You know, Serena, there are lots of girls who want Levi. Even my friends like him. Pero sa dami ng may gusto sa kanya, ako ang pinili niya. Everyone is so jealous of me. Ang caring pa niya, understanding, tapos ang yaman pa at ang gwapo. Damn, nasa kanya na ang lahat. Ang swerte-swerte ko na,” mala-dramang kwento niya. “Di ba?” baling niya sa akin.Bahagya akong umubo para pagtakpan ang tawa ko.“Yes, Ma’am. Ang swerte ko nga.”Kumunot ang noo niya. “Swerte mo?”“Ha? I said ang swerte niyo nga, Ma’am,” pagtatama ko sa sinabi ko.
Last Updated : 2025-12-11 Read more