Next:“No.” Tumayo si Georgina at hinarap ang ina na puno nang pag-alinlangan. “Hindi ako pwedeng sumama sa inyo dahil may pamilya ako rito, ma.” Napayuko ang kanyang ina. “Just as I thought. Alam kong hindi ka na bata at may sarili ka ng desisyon. Pasensya na, Chantrea. Sa mata ng mama ay isa ka pa ring bata. Hindi ko naisip na pamilyado ka na rin palang tao.”Malamlam ang matang tiningnan siya ng kanyang saka siya nginitian. napakamot naman sa batok na sinalubong niya ng tingin ang ina. “Hindi ba pwedeng hindi ka na lang aalis, ma? Ayaw mo bang makita ang mga apo mo? And,” itinaas niya ang palad at ipinakita rito ang daliri. “I am getting married, ma.” Matamis siyang ngumiti na halos umabot sa kanyang tainga. “Talaga, iha?” Tumango siya saka maingat na niyakap ang kanyang ina upang hindi masagi ang sugat nito sa braso. “Yes, ma. You know him, right? He tried to save you, but failed…”Ikinuwento niya sa ina ang nangyari kay Rhett simula nang magkakilala sila nito at hanggang sa ma
Last Updated : 2025-06-01 Read more