Next:“Model?” ulit na tanong ni Everest. Napasandal siya habang hinihintay ang sagot ni Pete mula sa kabilang linya. “Yes, Evy. Bakit hindi mo na lang palitan si Stella at ikaw na ang mag-shoot ng commercial na dapat ay siya ang gagawa? Alam kong kaya mo ito. You’ve done this before, and I’m sure you will nail this.”Nakagat ni Everest ang kuko habang nag-iisip ng isasagot. “Pero hindi ako sikat. Walang nakakakilala sa akin, Pete. paano kung hindi magustuhan ng kliyente mo?”“Evy, tulad ng lagi kong sinasabi sa ‘yo. Huwag mong maliitin ang sarili mo. As long as may taong naniniwala sa kakayahan mo, you will shine, Evy. Nandito lang ako para suportahan ka.” There was a long pause before Pete spoke again. “Well, kung ayaw mo naman ay okay lang. It’s just a few million pesos that we are losing.”Napadiin ang pagkagat ni Everest sa kuko hanggang matanggal ang dulo niyon pero hindi siya nakaramdam ng sakit. Naguguluhan siya sa alok ni Pete. Alam niyang ayaw ni Fredrick na lumapit siya ka
Terakhir Diperbarui : 2025-07-06 Baca selengkapnya