NextTwo seconds later, Galya shook her head and got down from her bike. Bakit naman siya matatakot sa boss niya? Hindi nito nakikita ang hitsura niya. “Still waiting for my boyfriend,” aniya. Sinadya niyang palambingin ang boses at nilapitan nang bahagya si Cean pero agad na umatras ang lalaki. Tuluyang nawala ang kaba sa dibdib niya. Mabilis na itinaas ni Cean ang dalawang palad para pigilan siya sa paglapit. Bagama’t hindi nito nakikita ang mukha niya ay pansin niya ang pagkadisgusto sa mukha ni Cean na ikinaangat ng kanyang kilay. “Ugh! Stop, miss. I already have a wife.” Iyon lang at mabilis siyang tinalikuran saka sumakay sa kotse nito. Mahinang napatawa si Galya saka muling bumalik sa motorsiklo at sumandal. Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Asawa? Kailan pa nagkaroon ng asawa ang lokong iyon?”She was flustered, at the same time, felt admiration. “So, hindi basta-basta makukuha ng babae ang isang Cean Morgan, huh?” Tinanggal niya ang suot na helmet saka kinuha sa compar
Huling Na-update : 2025-08-25 Magbasa pa