Next Hindi sumagot si Cean. Hinayaan niyang mag-isip ang sekretarya saka sumandal sa upuan na may munting ngiti sa labi. Matiim ang tingin na tumitig siya dito. “I didn't say anything, Miss Castaneda. Ang sabi ko tawagin mo akong Cean. Hindi Sir, hindi Mr. Morgan.” Nag-isang guhit ang labi ni Galya sa sinabi ng kanyang boss. Sigurado siya sa narinig niya. The guy in front of her whispered Nash’s name. Hindi siya nagkakamali ng dinig. Why? Bakit sinambit nito ang pangalan ni Nash? Magkakilala ba ang dalawa? Kaya ba kung ituring siya ni Mr. Morgan ay parang kakilala siya nito? Her mind was in jumbles. Madaming katanungan pero alam niyang hindi iyon masasagot ng kanyang Boss. Napalunok siya at tinalikuran ito 'tsaka umupo sa sarili niyang mesa. Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng schedule at pagsagot sa tawag ng mga kliyente para makipag-arrange ng meeting sa kanyang boss. “Miss Castañeda,” maya-maya ay tawag sa kanya ni Mr. Morgan. Umangat ng tingin si Galya “Yes, sir?” “Cean,
Last Updated : 2025-08-22 Read more