Sa huli ay maingat na itinulak ni Mariana ang kabute na inihaw ni Ellie. "Ellie, subukan mo muna." aniya "Bakit? Ano ang mali?" tanong ni Ellie. Kinuha niya ang kabute at kumagat roon pagkatapos, pumihit sa mukha niya ang kulay ng atay ng baboy.“Nakakadiri!" ani Ellie oagkatapos iluwa ang kaunting pagkain na kaniyang kinagatan. "Subukan mo sa akin." May halong pagmamalaki na saad ni Jasver. Sinulyapan siya ni Ellie."Tiyak na maling paraan lang ang sinabi ni Tita Wanda, hindi ako kumbinsido, hindi ko pa rin kakainin ang sa iyo!" ani Ellie. Tinalikuran niya ang mukha ni Jasver, ngunit ang bango ng minasa na bawang ay nanuot sa kanyang pang-amoy. Nanatiling nakaupo si Maxine sa tabi ni Ellie, ngumunguya ng mga kabute sa malalaki nitong bibig, humihingal, at ang kanyang mga mata ay puno ng mga bituin. Hindi niya maiwasang bumulong sa kanyang puso, kung gaano kaya ito kasarap! Kinain niya ang mga pagkain na nasa pinggan ni Jasver, na talaga namang ka
Last Updated : 2025-06-21 Read more