Share

Chapter 136

Author: Mallory Isla
last update Last Updated: 2025-07-02 21:28:51

"Mula pa kahapon ay hinihiling na ng mga kasosyo ko sa kumpanya na wakasan ang kontrata nila sa akin. Nalulula na ngayon sa isang malaking halaga ang pabrika ng imbentaryo at hindi na ito kailanman maaaring ibenta. Ang mga tao na mga tumatawag noon sa akin ay natatakot at nagtatago na sa tuwing natanggap nila ang mga tawag ko ngayon. At ngayon na narinig mo na ang lahat ng ito, magmamatigas ka pa rin ba at hindi ka pa rin hihingi ng tawad?" Sabi ni Tyson gamit ang malalim na boses.

Natigilan naman si Kaena sa kaniyang mga narinig. Bumuka ang kanyang bibig, tila may nais na sabihin ngunit mabilis din niyang itinikom iyon.

"H-hindi ba ito pambu-bully? Hindi naman mali ang sinabi ko, ah." saad ni Kaena.

Wala ng oras pa si Tyson para bigyang pansin ang sinabi ng kaniyang kapatid.

"Bibigyan kita ng isang oras. Kapag hindi mo pa rin ito inilabas sa publiko makalipas ang isang oras ay ipapadala ulit kita sa Mental Health Center dahil sa sakit mo sa pag-iisip. Mas mapapadali nito ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Arwin Dionida Deri
bkt wlang paring update
goodnovel comment avatar
Bamboo Ancuna
more update SNA author kht tatlong chapter update SNA author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 137

    Nagningning ang spotlight sa kanyang mukha dahilan upang lumantad ang gulat sa kaniyang mukha. Maging si Tyson ay hindi naiwasang pagtakpan ito. Ngumisi si Mariana. "Diana, dinirekta at ginampanan mo ang drama sa pagpunit ng marriage certificate ninyong dalawa kasama na ang mga litrato na kuha sa inyong kasal. Ikaw ang may kagagawan ng dalawang araw na paglaganap ng mga balita, hindi ba? Kabilang na roon ang panunuhol sa mga tao para kusa akong takutin." serysosong saad ni Mariana. "S-sinisiraan mo ako! Hindi ko kailanman ginagawa ang ganyan karuming mga gawain, Mariana, hindi ko talaga alam kung paano ba kita nasaktan? Dahil lang ba sa pinakasalan ko si Tyson ay dapat mo na akong tratuhin ng ganito? Mayroon ka na nang Mavros, bakit mo pa ito ginagawa sa akin sa lahat pa ng posibleng paraan? Ano bang kabutihan ang magagawa nito sa iyo para sirain ang aking reputasyon?" saad ni Diana. Habang nagsasalita siya ay bumabagsak na ang mga luha sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 136

    "Mula pa kahapon ay hinihiling na ng mga kasosyo ko sa kumpanya na wakasan ang kontrata nila sa akin. Nalulula na ngayon sa isang malaking halaga ang pabrika ng imbentaryo at hindi na ito kailanman maaaring ibenta. Ang mga tao na mga tumatawag noon sa akin ay natatakot at nagtatago na sa tuwing natanggap nila ang mga tawag ko ngayon. At ngayon na narinig mo na ang lahat ng ito, magmamatigas ka pa rin ba at hindi ka pa rin hihingi ng tawad?" Sabi ni Tyson gamit ang malalim na boses. Natigilan naman si Kaena sa kaniyang mga narinig. Bumuka ang kanyang bibig, tila may nais na sabihin ngunit mabilis din niyang itinikom iyon. "H-hindi ba ito pambu-bully? Hindi naman mali ang sinabi ko, ah." saad ni Kaena. Wala ng oras pa si Tyson para bigyang pansin ang sinabi ng kaniyang kapatid. "Bibigyan kita ng isang oras. Kapag hindi mo pa rin ito inilabas sa publiko makalipas ang isang oras ay ipapadala ulit kita sa Mental Health Center dahil sa sakit mo sa pag-iisip. Mas mapapadali nito ang

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 135

    "Totoo? Ang totoo ay buong network na ang pumupuntirya sa iyo ngayon. Alam mo ba na ang lahat ng mga kalokohan na ginawa mo noon ay nailabas na sa Internet? Maging ang mga video na kuha noon ay nandoon na lahat!" Galit na sabi ni Tyson. Paano namang hindi malalaman ni Kaena ang tungkol doon? Kaagad nga niyang binasag ang sariling telepono nang makita niya kaagad ang balita. "Kuya, ngayon ay nakita mo na kung ano ang tunay na mukha ng malanding iyon. Gusto lang niyang sirain ang pamilya Ruiz at pati na rin ako! Dinala na niya ako sa isang mental hospital, pero hindi pa rin niya ako tinatantanan." saad ni Kaena. Nanatili namang malamig ang tingin sa kanya ni Tyson. "Ang lakas naman ng loob mong sabihin iyan? Kung hindi mo sana iginiit na ilabas ang mga salitang iyon sa social media, sa tingin mo magkakaroon ka pa ng problema ngayon?" Hindi pa rin natitinag si Kaena, kasabay ng pag-hikbi ni Diana. Ngunit si Tyson ay hindi nakaramdam ng kahit na anumang pagkabalisa. Kakaiba

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 134

    "Napanood ko na ang lahat ng mga lumabas sa balita nitong nakaraang dalawang araw, at labis talaga akong nababalisa dahil dito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sana lang ay maging mas kalmado pa ang lahat. Wala namang masamang intensyon si Miss Ramirez. Hindi ko naman dinadamdam ang mga ginawa niya. Masyado lang siyang nahumaling kay Tyson noon. Medyo nakakaawa din naman siya, kaya dapat ay itigil na ang lahat ng usap-usapan tungkol sa kanya." saad ni Diana sa kaniyang post. Ang mga sumusunod doon ay lahat na ng mga salita na pabor sa kanya, na para bang si Mariana ay isang hindi mapagpatawad at isang taongmakasalanan. “Si Diana na nga ang nakumpurmiso, tapos pinagtatakpan pa rin niya si Mariana.” "Kung ikukumpara kay Diana, hay nako, wala lang itong si Mariana, e.” "Tama ka diyan! May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin na si Diana ang kabit, ha. Kung ako iyon, pipiliin ko rin talaga si Diana, ‘no!" ... Nasa mga bisig ni Mavros si Mariana nang niya ang post n

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 133

    Tumango si Mariana at muling ipinikit ang kaniyang pagod na mga mata. Kalahating tulog at kalahating gising ang kaniyang diwa nang sa wakas ay lumabas na ng banyo si Mavros na nakabalandra ang itaas na bahagi ng katawan, ang kalahating basang buhok nito ay natatakpan ng maulap na singaw ng tubig. Sa sandaling sumampa ito sa kama ay mabilis na inihagis ni Mariana ang sarili sa mga bisig ni Mavros. "Napakatagal mo naman." saad ni Mariana. "Nagising ba kita?" tanong ni Mavros pagkatapos ay inilagay niya ang kanyang kamay sa likod ni Mariana. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mariana. "Hindi naman." aniya. Hinawakan niya ang mukha ni Mavros gamit ang kanyang kabilang kamay at muling nagtanong. "Bakit ka ba hingi ng hingi ng tawad kanina?" tanong ni Mariana. Bahagya ring nanlaki ang mga mata ni Mavros dahil sa tanong na iyon. "Natatakot lang ako na baka kamuhian mo ako kapag nalalasing ako." sagot Mavros. Ilang minuto pa siyang naghintay sa magiging tugon ni M

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 132

    — Samantala, sa bar na nasa loob lang din ng islang kinaroroonan nila ay nagtungo roon si Mavros, nagtungo siya sa isang sulok at saka umorder ng ilang baso ng alak. Nang matagpuan siya ni Jasver ay nakainom na agad siya ng tatlong baso ng alak. "Mavros? Bakit hindi mo kasama si Miss Ramirez at umiinom ka ng mag-isa dito?" tanong ni Jasver nang makalapit sa kinaroroonan ni Mavros. Inabot sa kanya ni Mavros ang isang buong bote ng alak na walang ekspresyon ang mukha. "Samahan mo ako at uminom ka ng dalawang bote ng alak rito." ani Mavros. Nilunok ni Jasver ang kanyang sariling laway at saka tinitigan ang buong bote ng mamahaling alak na inilahad sa kaniyang harapan sa pagkamangha. Masunurin niyang binuksan ang bote at saka nagsalin ng dalawang baso ng alak at gayon din sa baso ni Mavros. "Ano bang problema, Mavros? Broken hearted ka ba?" tanong ni Jasver kay Mavros. "Hindi." maikling sagot ni Mavros pagkatapos ay muling nilagok ang alak na sinalin ni Jasver sa kan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status