“One coffee americano, please,” sabi ko sa barestang humarap sa akin. Nandito ako sa pabororito naming cafe ni Charmaine. Bumalik na kasi siya sa clinic, at dahil ayaw ko pang umuwi, nag-decide ako na dumito na muna. Bitbit ang aking kape, umupo ako sa table na malapit sa bintana. Kada higop ko sa kape, kasunod ay buntong-hininga. Ilang araw na rin ang dumaan matapos ang masakit na yugto ng aking buhay. Heto, pilit akong lumalaban. Pilit maging positive, kahit minsan nanghihina pa rin. Thanks to Charmaine, sa kabila ng pait at sakit, may pagkakataon pa rin na napapangiti ako. Todo-todo ang pagdamay nila sa akin. Pinapasaya nila ako sa kanya-kanya nilang paraan. Si Kuya Reynan, hindi ako iniwan. Hindi pa rin rin siya bumabalik sa Canada. Which is, pinagtatakhan ko. Mahal na mahal niya kasi ang anak niya, pero nagawa niyang hindi makasama ng matagal.Panay din ang tawag ni Mama, kinukumusta ako, at nagtatanong kung kailan babalik si Kuya. Ang sagot niya lang, saka na raw if okay n
Last Updated : 2024-12-04 Read more