“Sir Onse… ‘wag na nga matigas ang ulo mo.” Pinilit ni Daisy na kalasin ang mga kamay ko. Pumayag na lang ako, binitiwan ko siya, at hindi siya nagsayang ng oras. Agad siyang bumaba ng kama, at binuksan ang pintong hinarangan ko na walang kahirap-hirap.Sinundan ko lang siya ng tingin na nagmamadaling lumabas ng kwarto, pero napapangiti naman ako. Masaya kasi ako, sa kabila ng mga nangyayari, sa galit niya, nag-aalala pa rin siya sa akin. Mas nagkaroon ako ng pag-asa na balang araw, babalik din kami sa dati. Magugustuhan niya ulit ako, matutunang mahalin. Hindi nagtagal ay rinig ko na ang nagmamadaling mga yabag papunta rito sa kwarto. Agad naman akong pumikit, para maawa pa lalo si Daisy at mahalin na niya agad ako. “Kuya Onse…” malungkot na tawag ni Charmaine, kasabay ang paglapat ng palad nito sa noo ko.Dumilat ako. Medyo na dismaya nang hindi boses ni Daisy ang narinig ko, pero nang makita ko si Daisy sa tabi ni Charmaine, agad namang kumislap ang mga mata ko. “Halika, tumayo
Last Updated : 2024-12-01 Read more