Daisy His Remedy

Daisy His Remedy

last updateLast Updated : 2025-01-28
By:  sweetjellyCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
106Chapters
5.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa loob ng limang taon, Daisy openly admired Onse, the elder brother of her best friend. When Onse's world crumbled after her fiancée cheated on him, Daisy offered her shoulder, her heart, and whatever comfort he needed. Now that Althea is back in Onse's life, Daisy's greatest nightmare is coming true. Her time as the remedy for Onse’s broken heart is over. As Daisy's heart shattered like the broken bottle at her feet, she faced a difficult decision; Should she wait for Onse to like her or walk away before her heart completely crushed beyond repair?

View More

Chapter 1

Daisy His Remedy 1 "Heartbreak"

Akala ko ito na ang simula ng fairytale ko…

Tumawag sa akin ang crush ko—si Sir Onse. Pinapunta niya ako sa condo niya. May sasabihin daw siya. Magse-celebrate daw kami. Kaya heto ako ngayon, pigil-kilig, tapik-tapik ang pisngi, parang baliw sa harap ng salamin.

Ito na ba 'yon? Ito na ba ang pinakahihintay kong moment na bumaligtad ang mundo pabor sa akin?

"This is it, Daisy!" bulong ko sa sarili habang tinititigan ang sarili sa salamin. "Nagbunga na ang effort mo!" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—kumikiliti, parang naiihi, parang lilipad.

Na-e-emagine ko na ang gwapo niyang mukha, ang ngiti niya, 'yong tingin na tagos sa puso. Sa sobrang kilig, napayakap ako sa sarili.

“Puso, kalma lang ha? Hindi pa ito 'yong confession scene. Pero sana, ito na nga.”

Kaunting spray ng pabango sa pulsuhan at sa likod ng tainga, final touch bago ko suungin ang gabing baka babago ng tadhana ko. Hindi lang dapat ako maganda. Dapat mabango rin ako sa moment na 'to.

Paglabas ko ng bahay, ngiting-ngiti ako. Kahit makulimlim ang langit, puso ko'y parang nasisikatan naman ang sikat ng araw. Ang saya ko. Lahat ng makita ko, maganda. Kahit traffic light, parang kumakaway ng "go for love!"

Nagpahatid muna ako sa wine store malapit sa condo. Champagne ang binili ko. Sabi nga nila, celebrate in style. Deserve namin 'yon. Bagong couple, bagong simula.

Habang papalapit sa condo, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pero habang papunta na ako sa unit ni Sir Onse, ang kaninang confident kong hakbang, naging mabagal—parang may kaba na hindi ko maipaliwanag. Pero ngumiti pa rin ako habang tinatapik ang pisngi at dibdib ko.

Nakangiti akong pinindot ang pincode. Nanginginig ang kamay, pero buo ang loob.

At pagkapasok ko—

“Remedy? Or a rebound?!”

Para akong tinamaan ng kidlat sa narinig ko. Napako ako sa kinatatayuan ko. Biglang lumabo ang paningin ko. Para akong nahulog mula sa rooftop ng sarili kong ilusyon.

Awtomatikong nawala ang ngiti ko. Daig ko pa ang nasampal. Naparalisa ang buong katawan ko. Pati ang hininga ko ay napigil ko, pero humigpit naman ang paghawak sa bote ng champagne na dala ko.

“Now, you can't say anything. Kasi alam mo sa sarili mo na naging panakip butas mo ang Daisy na ‘yon!"

Tuluyan nang nawalan ng lakas ang kamay ko, at kusang dumulas ang bote na kanina ay mahigpit ang paghawak ko. Bumagsak ang bote sa sahig at naglikha ng malakas na ingay na ikinalingon nila.

“Daisy!” Nanlaki ang mga mata ni Onse, agad lumapit sa akin.

Yumuko ako. Tiningnan ang basag na bote na nasa paanan ko. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya—ang mga mata nila. Kaya umiwas ako; yumukod at pinulot isa-isa ang nagkalat na basag na bote sa sahig. Parang pangarap ko basag...

“I’m sorry… I didn’t mean to… Nagulat lang ako. Hindi ko alam kasama mo, Ms. Althea.” Nagkanda- buhol-buhol ang dila ko. Nabubulol at nanginginig ang boses.

Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko; hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nahihiya ako. Naiinis. Nasasaktan. Gusto ko na ngang kuyumusin na lang ang mga bubog nang maibsan naman ang hiya na nararamdaman ko ngayon.

Ang saya na nararamdaman ko kanina, napalitan ng sakit. Parang tinadtad ng pinong-pino ang puso ko, parang tinutusok-tusok ng maraming karayum, pero pinipilit kong ‘wag bumigay—pinipilit na ’wag pumatak ang luha sa mga mata kong nag-iinit na; hindi ako iiyak sa harap nila—hindi ako iiyak sa harap ni Sir Onse, kasi hindi naman ako dapat nasasaktan ng ganito dahil wala namang kami. Ako lang 'yong umasa, at nag-assume na magtatapat siya.

Bakit pa ba siya bumalik? Umalis na siya, iniwan na niya si Sir Onse, pero heto at bumalik siya na parang walang nangyari.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko, pinaniwala ko ang sarili na hindi na siya babalik, at sakaling bumalik siya, siguradong hindi na siya tatanggapin ni Sir Onse, niloko nga kasi siya, pinagpalit sa iba, pero mali pala ako, mahal na mahal pa rin niya ang ex-girlfriend niyang taksil.

Hindi ko makakalimutan ang gabing ‘yon—ang pinakamasayang gabi sana ng pamilya nila, kasal ng nakababata niyang kapatid na best friend ko. Pero ang masayang gabi ay nauwi sa gabi ng hinagpis ni Sir Onse.

At ako na bida-bida, porke’t nakita ko siyang nasaktan, umiyak, inabot ko na ang kamay ko, kasama pati ang balikat at puso ko.

Crush ko nga kasi siya. Noong gabing ‘yon, handa na sana akong tapusin ang pagkahumaling sa kanya, kaya lang nagbago ang isip ko. Naawa ako sa kanya. Nagawa niyang baguhin ang sarili. Nagawa niyang magpakatino dahil sa babae. Playboy siya noon, ayaw niya magpatali sa kahit sinong babae, pero nagawa niyang magbago. Nagmahal ng totoo ngunit nasaktan naman ng todo. Kaya ako na handa na rin sanang mag-move on sa nararamdaman ko, lumambot ang puso. Kaya heto, sa sitwasyong ‘to ako dinala ng desisyon ko. Puso ko durog na durog gaya nitong basag na bote na pinupulot ko.

“Daisy, umalis ka…”

"Opo, aalis po ako. Pasensya na po talaga." Agad kong singit sa pagsasalita ni Sir Onse. Tipid pa akong ngumiti, pinipilit itago ang sakit na nararamdaman sa pilit na ngiti na pinakita ko sa kanila.

Sa totoo lang, kanina ko pa gustong umalis, pero hindi ko alam kung paano. Kaya ngayong pinapaalis na niya ako—tinataboy na niya, talagang aalis ako. Masakit, but ito na ang chance ko na makaalis sa napakasakit na tagpong ‘to.

Tumayo ako, hawak ko ang basag na bote na pinulot ko, agad akong tumalikod at hindi na muling lumingon. Durog na durog na kasi ako, hiyang-hiya, ang gusto ko ay makaalis na agad sa harap nila.

Kasabay ng pagsara ng pinto ng unit ni Sir Onse, rumagasa na parang baha ang mga luha ko na paulit-ulit kong pinahid, pero kahit anong pahid ang ginawa ko, walang silbi, patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko na nagpalabo sa paningin ko. Binato ko sa trash bin na nadaanan ko ang basag na bote na pinulot ko kanina at nagpatuloy sa paglalakad.

Gusto ko na agad makaalis sa condo na ‘to, pero dahil sa malabong paningin, at tuhod kong nanginginig, hindi ko magawang bilisan ang lakad ko; hindi ko rin magawang iangat ang ulo ko dahil nahihiya akong makita ng mga tao ang hinagpis ko.

Kada hakbang ko, ang bagal, para ako namatayan at nawalan ng saysay ang buhay, sumabay rin ang mahina kong paghikbi at pagtaas baba ng balikat. Habang naiisip ko ang eksena kanina, lalo lang akong nadudurog, lalong naiiyak.

Sa wakas, nakalabas na rin ako ng condo, ngunit dilim at malakas na ulan naman ang sumalubong sa akin—ulan na parang nakikisimpatya sa nararamdaman ko na ngayon ay bumasa sa kabuuan ko. The cold drops hit my face, mingling with my tears.

Tumingala ako, letting the rain wash over me as if it could cleanse me of the pain. But it couldn’t.

Naaanod nga ang luha ko, pero hindi ang sakit na nararamdaman ko.

Wala sa isip akong naglakad, hindi alintana ang malakas na ulan, hanggang sa makarinig ako ng busina ng kotse sa likuran ko. Lumingon ako, siya namang pagtigil ng kotse sa tapat ko na hindi ko pinansin, at nagpatuloy sa paglalakad, pero napahinto rin agad nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko.

“Daisy...”

Muli akong lumingon. Nakababa na ang salamin ng kotse at kita ko mula roon ang driver, si Vincent, katrabaho ko. Isang nurse rin sa hospital pinagtrabahuan ko.

“Get in; you’re soaked,” mahinahon niyang sabi, at saka binuksan ang pinto sa passenger seat. “Come on, don’t make me ask twice."

Pilit akong ngumiti. Utak ko, nagsasabing ayaw kong sumakay, pero mga paa ko naman ay dahan-dahang humakbang palapit sa kotse, at sasakay na sana, pero nahinto dahil sa kamay na biglang humawak sa braso ko, at hinala ako palayo sa kotse.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ludy Perez
ganda nya plantsado ang mga chapter jindi paikot ikot ang story lahat ng chapter may ganap..nice otor...
2024-12-28 21:44:48
4
user avatar
Athena Beatrice
Recommended 🫶🏻🫶🏻
2024-12-12 19:09:32
4
user avatar
Nan
Ganda nito.
2024-11-24 13:18:28
4
user avatar
Ashley
Must read!
2024-11-13 11:16:19
3
user avatar
Fe Gillesania
sobrang Ganda ng story na ito
2024-11-02 05:20:08
3
user avatar
Mrs.Kim❤
Highly Recommend!!!
2024-11-01 00:51:10
3
106 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status