Arianne“Walanghiya kayo! Walanghiya kayo!” sabi ko sabay hampas ng dala kong sling bag sa mga lalaking bagong dating. Kaya pala pamilyar ang mga ito ay dahil sila ang mga lalaking nangharang sa akin noong gabing nagutom ako.“Babe, tama na yan..” awat ni Victor ngunit hindi naman niya talaga akong inaawat. Hinahayaan niya pa rin na mahampas ko ang mga lalaki.“Mga walanghiya, nasaan? Nasan yung isa pa sa inyo?” galit kong tanong pa.“Ma’am tama na po, baka makasuhan din kayo,” sabi ng pulis kaya naman sa kanya na ako tumingin.“Anong makasuhan?” taka kong tanong.“Sila po ang nagkaso sa asawa niyo ng pambubugbog.”Tumingin ako kay Victor bago sa mga lalaki ulit. Ginawa ba iyon ng unggoy na ito para maiganti ako?“Mrs. Monteclaro, hayaan nyo na lang po na ako ang makipag-usap sa kanila,” singit ng abogado pero hindi ko siya pinansin at hinarap pa ang mga lalaki.“Magaling din naman kayong mga walang ambag sa mundo ano? Kayo na ang nanakit sa akin at kay Donnie ay kayo pa ang may ganang
Last Updated : 2024-11-27 Read more