ArianneAt ayun nga, nag-mall kami at habang naglalakad ay hindi niya binitawan ang kamay ko. Mabuti na lang at hindi iyon pawisin, kung nagkataon, naglulusak na marahil iyon ngayon.“Ito babe, maganda ‘to. Di ba ikaw ang gumagawa ng mga materials para ads niyo?” tanong niya. Nasa kilalang tindahan kami ng mga gadgets, PC, laptops at kung ano-ano pang mga accessories na may kinalaman sa teknolohiya.“Ang mahal naman eh,” sabi ko. Nagulat ako sa mga presyo, ganito na ba talaga? Mura na daw ang 85K, seriously? Tapos ang gusto pa niyang kunin ay yung halos 200K?“Sulit naman babe sa specs.” Wala akong alam sa sinasabi niya pero mukhang nakakaintindi siya ng mga bagay na ‘yon kaya hindi ko na inalmahan ang mga paliwanag niya.“Ang kaso nga ang mahal, tignan mo naman, budget ko na sa 1 year mahigit na pang pagkain na natin yan eh..”“Sus, kung gamit mo sa hanapbuhay ay hindi ka dapat nagtitipid para hindi rin tipid ang pasok ng kita.”“Naniniwala ka pa sa mga ganon eh ang anong taon na ngay
Last Updated : 2024-11-21 Read more