Nakasimangot akong tumingin kay Aya, "akala ko ba, isang tanong lang?" "Eh, hindi mo pa naiinom yang hawak mo, dapat madaming tanong hanggang sa magdare ka." Nangisi niyang sabi na ngayon ay halata na ang kalasingan. Dahil malikot ang mata ko kaya napatingin ulit ako kay Drake, for sure naririnig n'ya ang tanong. Wala akong choice kundi ang inumin ang nasa baso, dahil kung hindi, baka kung saan-saan pa mapupunta ang mga tanong nila tungkol sa akin. Naghiyawan sila na wala ng laman ang shot glass na nilapag ko sa lamesa. Konti pa lang ang nainom mo pero ito ako at nahihilo na, hindi ko alam kung saan ako nahihilo, isang glass lang iyon eh or dahil na tense ako sa mga tanungan. Napailing ako. Pinagpatuloy nila ang laro pero hindi na ako sumali. Pinuntahan ko sina Kimberly at Cha-cha at sinabi na mauna na ako dahil lampas six na ng gabi. Dapat sa ganitong oras ay nasa bahay na ako. Nang makita ko ang manager na wala ng kausap ay pinuntahan ko siya. Inilibot ko pa ang mga mata ko dahi
Read more