“H-hindi muna ako uuwi, Paul. Doon muna ako sa inyo,” ani Lily sa kaibigan nang marating na nila ang siyudad. Latag na ang dilim nang makabalik sila sa Maynila mula sa sports fest. At gaya nang nauna niyang desisyon, hindi muna uuwi si Lily sa unit ni Liam.Ayaw na niyang i-torture ang sarili niya. Hindi pa talaga siya handang makasama si Liam sa iisang bubong.“Ay talaga, hindi ka pa uuwi?” ani Chantal na noon ay nasa passenger’s seat ng sasakyan ni Paul. Nilingon na nito si Lily na nasa backseat, ngumisi. “Gusto mo bang sumama sa amin?”“S-saan naman?”“Magpa-party tayo. Victory party para sa ating ‘forda win, Balesin!’” excited na sabi ng dalaga, nagniningning ang mga mata.“Gaga ka talaga, Chantal! Nakita mo na ngang halos himatayin si Lily kanina sa sports fest, aayain mo pang uminom,” mabilis na saway ni Paul, tikwas na ang nguso subalit nasa daan pa rin ang mga mata.“E malay ba natin kung gustong sumama ni Lily. Lahat naman tayo nag-effort sa sports fest kanina. We all deserv
Last Updated : 2025-08-28 Read more