“Lily, hindi ba umuwi si Liam kagabi?’ tanong ni Esme sa apo na noon ay nasa hapag at nag-aagahan.Kumurap-kurapsi Lily, mabilis na hinamig ang sarili bago sumagot. “M-may inasikaso po, La. E-emergency,” sagot ng dalaga, humigop ng kape.Kahit na sinabi ni Liam na h’wag na niyang hintayin ito, naghintay pa rin si Lily sa pag-uwi ng asawa. But Liam didn’t come home last night. Alam niyang nagtatampo ito. Kaya lang…“Nag-away ba kayong mag-asawa, hija?’ pukaw na tanong ni Esme sa apo.Hindi sumagot si Lily, muli lang dinala ang tasa ng kape sa kanyang bibig. Ang hirap ipaliwanag ng sitwayson niya sa ngayon. Umaasa na lang siya na sana matapos na ang edits ng TVC para naman makabalik na siya sa dati niyang gawi sa opisina.Alam na niya ngayon na nagseselos si Liam kay Charles. Kaya lang, hindi pa naman niya pwedeng layuan si Charles ngayon dahil may tinatapos pa silang trabaho. O mas tamang sabihin na hindi pa ito tapos sa pagganti sa kanya sa pamamagitan ng pagpapahirap nito sa kanya sa
Last Updated : 2025-09-17 Read more