“Anong nangyari sa ‘yo, Liam? Isang linggo akong naghintay sa tawag mo. Tuwing tumatawag ako, si Arius ang sumasagot sa cellphone mo. Sobrang nag-alala ako sa ‘yo,” ani Lily kay Liam nang naroon na sila sa silid ni Lily.Nagsalo sila sa hapunan kasama sina Esme at Noel. Masaya ang naging hapunan nila lalo pa at natapos na ang pag-aalala ng dalaga kay Liam dahil nakabalik ito. Kaya lang, ngayon na nagkasarilinan na sila, gusto pa rin niyang malaman ang dahilan kung bakit hindi man lang siya nito natawagan nang umuwi ito sa Australia.Ayaw niyang maging demanding na asawa. Kaya lang, ang pagtatanong niyang iyon ay para sa ikatatahimik ng kanyang isip.Liam sighed and reached Lily’s hand bago hinila ang dalaga pahiga sa kama. “Marami akong problemang hinarap pag-uwi ko, Lily. Hindi ko rin inaasahan na gano’n karaming aberya ang haharapin ko. I would always see my lawyers everyday to consult on how to handle things better. But in the end, may nakuha pa rin sina Darwin sa mga ari-arian na
Tahimik ang Team AdSpark habang hinihintay nila sa conference room ng opisina ang pagdating ni Suzanne. Kagabi pagkatapos ng launching ng Velvet Bloom, nagkaroon ng close door meeting si Suzanne at ang VIP Clients nila.Sinubukang hintaying ng grupo na matapos ang meeting kaya lang, nagpasabi si Suzanne na bukas na lang nito ire-relay ang resulta ng meeting. Kaya naman maaga ang lahat na pumasok, kasama na si Lily.Niyuko ng dalaga ng kanyang cellphone. Umaasang mayroon siyang matatanggap na masayang balilta, kaya lang…Hindi pa rin alam ng dalaga kung ano nang nangyari kay Liam. She tried calling him again today, pagkagising niya. Kaya lang, si Arius ang sumagot sa tawag niya. Ang sabi nito, maaga raw nagpunta sa racetrack si Liam at iniwan ang cellphone nito kaya ito ang sumagot. Wala nang nagawa pa si Lily kundi ang muling tapusin ang tawag. Ilang araw na siyang nagtitiis sa pagdating ng anumang balita tungkol kay Liam. Gusto na niyang magtampo, magalit. Kaya lang… ayaw niya sana
Nagmamadaling pumasok sa hotel si Lily nang huminto sa tapat niyon ang taxi na sinasakyan ng dalaga. It was half an hour before seven in the evening. Maaga siya nang halos isang oras para sa launching ng Velvet Bloom, ang skin care brand na siyang produkto ng VIP foreign client ng AdSpark.Ang Velvet Bloom ay ang Asian brand ng kilalang skin care brand na Timeless Beauty. Naisip ng kumpanya na kailangan na iba ang formulation ng products nila for Asian market kaya nila ini-launch ang Velvet Bloom. Ang sabi nila, may Filipino root ang isa sa may-ari ng Timeless Beauty kaya sa Pilipinas nito gustong gawin ang product launch ng bagong brand. Kaya naman sa Pilipinas din kumuha ang kumpanya ng ad agency na magha-handle sa campaign at iyon nga ang AdSpark.For weeks, iyon ang pinaghahandaan ng AdSpark na campaign. Kaya naman halos hindi na rin natulog si Lily kinagabihan para lang masiguro na walang mangyayaring aberya ng gabing iyon. Lahat ng pinagtrabahuan ng Adspark team sa nakalipas n
“Girl, wala kang gana o um-order ka lang talaga ng lunch para mga mapaglaruan?” ani Paul habang nakatingin kay Lily. Naroon sila sa isang café malapit sa AdSpark at nagla-lunch. Maganang kumakain sina Paul at si Chantal. Subalit si Lily, lumilipad ang isip.Napabuntong-hininga ang dalaga, dumiretso ng upo. “Gusto kong kumain pero… parang ayoko rin,” pag-amin niya, maingat na inilapag sa plato ang hawak na kutsara.Tatlong araw na ang lumilipas mula nang umalis si Liam pabalik sa Australia. Tatlong araw na rin siyang naghihintay sa tawag nito. Tatlong araw na rin siyang napa-praning sa kakaisip kung ano nang nangyari dito. Kaya naman palagi siyang lutang kahit saan siya naroon, sa bahay man o sa opisina.He promised to call her as soon as he’d land. Kaso hindi ito tumawag. Hindi pa ito tumatawag kahit na tatlong araw na ang lumilipas. Ilang beses na niyang tinangkang tanungin si Dustin tungkol kay Liam. Subalit, palagi siyang pinangungunahan ng hiya. Dustin is Liam’s friend. Ayaw niyan
“Nagpalagay ako kay Dustin ng mga tauhan na pansamantalang magbabantay sa bahay mo habang wala ako. I would have wanted you and your family to move to my unit dahil mas safe kayo roon. But given Lola Esme’s condition, I think it’s really better if you’d stay in your house while I’m away,” ani Liam habang patungo sila ni Lily sa private hangar kung saan naroon chartered plane na sasakyan ni Liam pabalik ng Austrailia.Hindi agad sumagot si Lily, bumaling sa labas ng bintana. Papalubog pa lang ang araw, parang namamaalam din kay Liam sa pagbiyahe nito pabalik ng Australia. Ilang oras na rin mula nang ipaalam ni Liam na kailangan na nitong bumalik sa ibang bansa upang harapin ang nangyari sa opisina nito. He said there were important documents that are missing because of the incident. Subalit hindi naman sinabi ni Liam kay Lily kung anu-ano ang mga iyon. Bagay na lalo lamang nagpapadagdag sa pag-aalala ng dalaga. Halos wala pang isang linggo nang magkaaminan sila ng damdamin, subalit h
“Tulog ka na ba? O nag-iisip pa?” tanong ni Lily kay Liam na noon ay katabi na ng dalaga sa kanyang kama.Malalim na ang gabi subalit hindi pa rin dinadalaw ng antok ang dalaga. Her emotions are still all over the place dahil sa nangyari kanina. She was still shocked and overwhelmed.Umuwi siya na ang tanging nasa isip ay ang ipagtapat ang tungkol sa relasyon niya kay Liam. Hindi inaasahan ng dalaga na muli niyang makakaharap ang sakim na tiyuhin at pinsan na minsan nang naging tinik sa buhay niya.“I am awake, babe. Ikaw bakit hindi ka natutulog. Hindi ka rin makatulog?’ ani Liam, bumaling na sa asawa.“May mga iniisip lang,” pag-amin ni Lily, pinananatili ang tingin sa kisame ng kanyang silid.“Then tell me about it, maybe I can help you unthink,” sabi ni Liam, tumagilid ng higa at ipinulupot na ang braso sa baywang ng asawa.“Totoo bang makukulong na sina Tiyo Boying at RJ, Liam? Hindi ko na ba talaga sila poproblemahin pa?” tanong ng dalaga.“Yes. I will make sure of it,” panini