NANG makababa sina Vanessa at Tim naabutan nila ang kanilang ina na malaki ang ngiti sa labi habang inaantay sila sa hapag kainan.“Akala ko hindi na kayo bababa e,” natatawang sabi nito sa kanila.“Sorry mom, si kuya inaantok pa ‘daw e,”Hindi na nagulat pa si Tim sa naging dahilan ng kaniyang kapatid. Syempre alangan namang sabihin nila kung ano ang nangyari kung kaya kailangan nitong gumawa ng ibang dahilan.Tumango lang ang mommy nila doon at sinabi kay Tim na mamaya nalang bumawi ng tulog lalo na pupunta sila ngayon sa kanilang daddy. Linggo kasi ngayon, mabuti nga at sakto sa araw ng pagkamatay ng kanilang ama dahil mayroon silang trabaho kapag lunes hanggang sabado.Well, minsan wala silang trabaho ng sabado pero minsan nagpupunta sila sa mga bars nila para icheck kung kamusta ang mga ito. Kaya hindi nila na co-consider na pahinga ang araw ng sabado.Naupo na sila sa kanilang pwesto at nagsandok na ng pagkain na niluto ng kanilang ina. Habang kumakain hindi maiwasan ng magkapat
Huling Na-update : 2025-08-28 Magbasa pa