PAG pasok nila Lira sa loob ng apartment ang unang sumalubong sa kanila ay ang sala kung saan makikita mo mula doon ang isang daan papasok pa sa loob. Nakahiwalay ang sala, dining at dalawang kwarto sa aaprtment na iyon.“Ito ang sala’s, gustong gusto ko nga ito dahil malaki. Hindi lang iyon hiwalay pa ang kainan at sa may kwarto na part,”“Hiwalay po? Doon po ba?” tanong ni Lira sabay turo doon sa isang pinto na daanan papasok.“Oo, halika sunod kayo sakin.”Sumunod naman sila sa ginang at nakita nila ang malawak na kainina. Mayroon na ring lamesa doon na mahaba at 8 seater iyon.“Kasama na po ba ang lamesa sa uupahan?” tanong ni Hilda dito.“Oo, sa bahay nila madam yan nagpalit daw sila ng bago at keysa itapon dito nalang nilagay.”Napatingin si Hilda kay Lira dahil sa narinig at malaki ang ngiti nito sa labi. Tingin palang nito intindi na agad ni Lira kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang kaibigan, syempre gets niya na sakto ang dining area para kila ate Hazel niya.Isama mo pa na
Huling Na-update : 2025-09-18 Magbasa pa