“T-TEKA impossible talga! Paanong si ate Lira at si Lady in mask ay iisa? Hindi nga marunong sumayaw yun si ate!” muli hindi makapaniwalang sabi ni France.“O marunong ba siya?” naguguluhan na tanong nito sa sarili.Hindi niya kasi alam kung marunong bang sumayaw ang ate Lira niya o hindi.Muli mayroong pumasok sa isipan niya. Noong panahon na nasa bar sila at sinabi nito na close nito ang kaniyang idol, kasabay ng pag peperform ni lady in mask…“Wala si ate Lira.” Mahinang sabi ni France ng unti unti nag sink in sa kaniya ang lahat.Dahil doon dali dali siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at binuklat ang lagayan ng gamit ng kaniyang ate. Hinanap niya doon ang regalo niya ditong keychain, hindi lang kasi ito basta keychain dahil nagmula pa ito sa kaniyang fieldtrip noong high school siya, tila ito isang balahibo na mayroong tangkay ng artificial na flower.Ang ate niya ang naalala sa keychain na iyon kaya kahit mauubos ang kaniyang baon that time binili niya iyon pampasalubong d
Huling Na-update : 2025-09-29 Magbasa pa