SA kabilang banda naman, naroroon pa ‘rin sina France at Francis na umiinom. Hindi naman sila mag papakalasing ng sobra pero naparami na ‘rin ang kanilang inom.“France, halika na umuwi na tayo nahihilo ka na ata e,” sabi ni Francis ng mapansin na kakaiba na ito kung tumingin sa kaniya habang tumatawa.Alam niya na may tama na ito kaya ganon nalang ang itasura ng kapatid.“H-hindi kuya inom pa tayo!” sabi ng dalaga sabay tungga ng kaniyang alak.Napangiwi si Francis dahil doon, confirm na lasing na nga ito.‘Lagot ako kay mama nito’ mahinang sabi ni Francis sa kaniyang isipan.“Hindi France, uuwi na tayo. Magagalit si mama kapag umuwi ka ng ganiyang lasing.”“Wala akong pakialam kuya!” malakas na sabi ni France at iwinasiwas pa ang kamay nito sa kaniyang harapan.“W-wala naman akong pasok bukas kuya! Isa pa may problema ako kaya gusto ko pa mag inom!”Napatapik nalang si Francis sa kaniyang noo dahil sa sinabi nito. Hindi na niya mapipigilan ang dalaga. Wala na siyang magagawa kundi a
최신 업데이트 : 2025-10-12 더 보기