Malamig ang Baguio, lalo sa umaga. Hanggang ngayon ay mahamog pa rin ang kapaligiran, at kung hindi pa dahil sa suot niya ay manunuot nang tuluyan ang lamig sa kaniyang buto.Inilapag ng waitress ang order niya kaya napabaling siya ng tingin dito. Ngumiti ito sa kaniya pagkatapos."Enjoy your breakfast, Miss." Magalang at may ngiti nitong sabi.Maliit naman siyang ngumiti. "Thank you."Nang makaalis ang waitress ay nagbaba siya ng tingin sa inorder na pagkain. It’s a toast, with avocado, black sesame seeds and herbs as a toppings. Maganda ang pagkakaplate nito, malinis at maingat.Ipinalibot niya ang medyo nanlalamig na mga kamay sa babasaging tasa ng chocolate milk na kaniyang inorder kasabay ng bread toast.Ang sugat sa kaniyang kamay ay hindi na gaanong masakit, ngunit dahil sa lamig ay tila kumikirot na naman ito. Kaya nang maramdaman ang init sa kaniyang mga palad dahil sa tasa ng chocolate milk ay nakaramdam siya ng ginhawa.Ilang minuto na siya rito, ngunit wala pa rin ang kani
Huling Na-update : 2025-10-16 Magbasa pa