Share

Kabanata 118.3: Another Date?

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-10-16 09:52:29

Malamig ang Baguio, lalo sa umaga. Hanggang ngayon ay mahamog pa rin ang kapaligiran, at kung hindi pa dahil sa suot niya ay manunuot nang tuluyan ang lamig sa kaniyang buto.

Inilapag ng waitress ang order niya kaya napabaling siya ng tingin dito. Ngumiti ito sa kaniya pagkatapos.

"Enjoy your breakfast, Miss." Magalang at may ngiti nitong sabi.

Maliit naman siyang ngumiti. "Thank you."

Nang makaalis ang waitress ay nagbaba siya ng tingin sa inorder na pagkain. It’s a toast, with avocado, black sesame seeds and herbs as a toppings. Maganda ang pagkakaplate nito, malinis at maingat.

Ipinalibot niya ang medyo nanlalamig na mga kamay sa babasaging tasa ng chocolate milk na kaniyang inorder kasabay ng bread toast.

Ang sugat sa kaniyang kamay ay hindi na gaanong masakit, ngunit dahil sa lamig ay tila kumikirot na naman ito. Kaya nang maramdaman ang init sa kaniyang mga palad dahil sa tasa ng chocolate milk ay nakaramdam siya ng ginhawa.

Ilang minuto na siya rito, ngunit wala pa rin ang kani
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 142.2: Early

    Wala sa isip ni Aeverie na kasali sa mga dapat niyang paghandaan ang pagtira ni Silvestre Galwynn sa mansion. Hindi niya kailanman naisip na posibleng magsama ulit sila sa iisang bubong ng dati niyang asawa. Hindi siya mapirmi, pabalik-balik siya sa paglalakad kahit pa sumasakit na ang kaniyang paa. Hawak niya sa isang kamay ang kopya ng kontratang pinirmahan ni Silvestre kanina. Ngayon niya lamang nabasa ang nakasulat sa kontrata. Kung kailan matutulog na siya, saka niya pa binuklat. Paano na siya makakatulog ngayon? Hinilot niya ang kaniyang sintido, sumasakit ang kaniyang ulo, at hindi pa rin siya makapaniwala sa kasunduang ibinigay ng kaniyang ama kay Silvestre Galwynn. Hindi na ito nakuntento na gawing bodyguard si Silvestre, kinuha pa itong personal assistant pamalit kay Blue, at inalok pa ng pagkakataong tumira sa mansion kasama niya! Mahabang ungol ng frustrasyon ang kaniyang pinakawalan. Hindi siya makapaniwala sa kabaliwan ng kaniyang ama. Hindi niya mahulaan kung ba

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 142: Early

    “I don't understand my father’s intention, Pablo.” Malamig na saad ni Aeverie nang humarap sa matandang sekretaryo.Naiwan sa loob ng bahay si Silvestre, samantalang dinala naman siya ni Pablo sa likod ng bahay, malapit sa lanai para pribadong makausap. Iniangat niya ang dalawang kamay at pinagkrus iyon sa kaniyang dibdib. Kakaiba ang tibok ng kaniyang puso at alam niyang dahil iyon sa galit na naipon. “Noong una, nagalit pa siya dahil sumunod sa akin ang ex-husband ko noong pumunta ako sa Baguio. That’s the very reason kung bakit niya ako ipinatapon sa Tagaytay, hindi ba? Nagalit siya dahil sinundan ako ng lalaking ‘yon. At ngayon, sinusundan ako ng lalaking 'yon kahit saan ako magpunta dahil lang din sa kagagawan niya. Ironically Old David hired him as my bodyguard.” Matuwid ang pagkakatayo ni Pablo, halatang hindi ito intimidated sa kaniya kahit pa ipinapamalas na niya ang kaniyang galit. Tumango ang matandang sekretaryo, nauunawaan ang kaniyang pinanggagalingan. “Naiintindiha

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 141.2: New Contract

    Malaki ang bahay at hindi maitatanggi na mamahalin ang mga kagamitan at palamuti sa loob nito. Ang sala pa lang ay talagang malawak na. Ang tatlong mahabang sofa ay agaw pansin. Maging ang chandeliers na nakabitin sa itaas ng sala ay hindi maaaring hindi mapuna. Tumayo siya malapit sa isa sa mahahabang sofa. Si Pablo ay nasa harap niya, nakatayo pa rin, at parang robot dahil walang bakas ng emosyon ang mukha nito. Si Aeverie naman ay nakatayo pa rin malapit sa pinto, sinusundan sila ng tingin at halata ang pagkayamot sa ekspresyon ng mukha. “Have a seat, Silvestre Galwynn.” Ani Pablo. “Thank you.” Aniya bago maupo sa mahabang sofa. Naupo rin si Pablo at mataman siyang tinitigan. “How’s your work?” Pormal nitong tanong. Hindi niya malaman kung intresado ba si Pablo na malaman kung kamusta ang kaniyang trabaho, o bilang pormalidad ay nagtatanong ito. “Good. It’s good.” Tumango si Pablo. “We’ve heard that Madam Maredith visited you today in the hotel. You've got a word

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 141: New Contract

    Nasa driver seat si Aeverie, samantalang tahimik naman sa backseat si Silvestre. Hindi ito gumagawa ng ingay, kahit kaunting kaluskos, kaya minsan napapatingin siya sa rearview mirror para makita kung naroon pa ito.Maybe, I'm getting used to his st*p*d presence. Bulong ng kaniyang isip.Or not at all?Dahil may mga pagkakataon na kapag napapatingin siya rito, nagugulat siya, kahit alam naman niyang sinusundan siya nito bilang bodyguard.Tahimik ang naging byahe at ang ilang minuto’y parang isang oras para sa kaniya. Sa ilang beses niyang pagsulyap sa rearview mirror, ilang beses din niyang nahuli na nakitingin din doon si Silvestre para silipin siya. Nagtatama minsan ang kanilang tingin at para siyang nakukuryente.Nag-iiwas naman siya agad at naiirita sa sarili kung bakit apektado siya kapag nagtatama ang tingin nilang dalawa.Nang malapit na sa mansion, naisip niyang sa labas na lang ng gate bumaba, pero masyadong malayo ang mismong bahay galing sa gate kaya maglalakad pa siya. Ayo

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 140.2: Car

    “Oh my god.” Bulong ni Aeverie, puno ng iritasyon ang boses. So, they didn't send my car? Tanong niya sa sarili. Kinapa niya ang kaniyang cellphone at hinanap ang numero ni Rafael. Siguradong nasa trabaho pa ito, pero sino ang tatawagan niya kung hindi ang nakatatandang kapatid? Kinagat niya ang ibabang labi, pinipigilan ang sarili na madala ng emosyon. Naramdaman niyang nakatayo malapit sa kaniya si Silvestre. Medyo malayo naman ito, pero nakaka-bother pa rin ang presensya nito kaya kahit na may distansya naman sa pagitan nila ay nararamdaman niya pa rin ang presensya nito. Ilang ring na pero hindi pa rin sinasagot ni Rafael ang tawag. “The user’s currently busy. You're directed to voicemail. Please, leave a message.” Bungad ng operator. Nagtagis ang kaniyang ngipin. Ang numero naman ni Uriel ang kaniyang tinawagan nang hindi sumagot si Rafael . Ilang ring din bago iyon sinagot ni Uriel. “Kuya Uriel.” Matigas niyang turan nang sa wakas ay sagutin ang tawag. “Aeve?

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 140: Car

    Sa pasilyo, malayo si Silvestre kay Aeveri habang sinusundan ang babae. Ayaw niyang mapansin nito ang kaniyang presensya kaya’t hanggang maaari ay tahimik lamang siyang sumusunod at binibigyang distansya ang pagitan nila. Kapag naman nasa opisina ito ay nasa labas naman siya ng opisina, nagbabantay ay naghihintay hanggang sa matapos ito sa trabaho. Pagkatapos nilang mag-usap ni Maredith Sevilla kanina, mas naging tahimik siya. Minsan ay nararamdaman niyang sumusulyap sa kaniya si Aeverie, pero kapag binabalingan niya ito ng tingin, sa ibang bagay nakapokus ang atensyon nito. Ngunit alam niyang hindi guni-guni na sumusulyap ito sa kaniya. Buong araw, simula nang bumisita si Maredith, pakiramdam niya’y tinitingnan siya ni Aeverie. Hindi niya lang ito mahuling nakatingin sa kaniya. Lunch break, bumaba ito sa restaurant kaya nakasunod siya. Kagaya noong unang araw niya, pinaupo pa rin siya ng waiter sa kalapit na mesang inuukupa ni Aeverie. Nag-order sila at sabay na kumain. No

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status